PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lopez Family to demolish old ABS-CBN building, says report

ABS-CBN started using its old headquarters in Quezon City in 1968.
by Arniel C. Serato
Published Mar 8, 2023
ABS-CBN old building demolition
According to an online report, the old building of ABS-CBN in Quezon City is being demolished later this year to pay for operational expenses of the station.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN kaugnay ng lumabas na ulat na ipapa-demolish na umano ang lumang headquarters ng Kapamilya network sa kanto ng Sgt. Esguerra Avenue at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City.

ABS-CBN old building demolition

Ang Rockwell Land Corporation, ang real property arm ng Lopez family, umano ang mangangasiwa ng demolisyon sa may halos 3.4-hectare property.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng online news site na Bilyonaryo.com, naipaalam na raw ng ABS-CBN management sa mga nagpapatakbo ng istasyon at sa kanilang staff na kailangan na silang ilipat sa katabi lamang na 15-story Eugenio Lopez Jr. (ELJ) Communications Center bago matapos ang 2023 para sa demolisyon.

Dagdag pa sa ulat, praktikal lamang ang desisyon ng ABS-CBN na ibenta na ang lupang kinatitirikan ng lumang gusali para maipantustos sa kanilang operasyon.

Kakaunti na rin lamang daw ang nag-oopisina sa lumang building matapos magtanggal ng libu-libong kawani ang management nang ibasura ng Kongreso ang franchise renewal nito noong July 2020.

Taong 1968 nang simulang maging headquarters ng ABS-CBN ang nasabing gusali.

Sa gusaling ito nakalagay ang radio stations ng Kapamilya network.

Sinubukan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na kunin ang pahayag ng ABS-CBN, ngunit wala pa silang opisyal na pahayag tungkol dito.

Kaagad na ilalathala ng PEP.ph ang anumang pahayag o paglilinaw ng ABS-CBN kapag natanggap na namin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL JUNKED

Sa pagbabalik-tanaw ng PEP.ph, ito ang naging timeline ng pagsasara sa ABS-CBN.

Eksaktong 7:52 ng gabi, May 5, 2020, tumigil ang TV at radio broadcast operations ng ABS-CBN.

Ang makikita na lang sa telebisyon ay black screen.

Sa inilabas na pahayag ng network nang araw na iyon, sinabi nitong tatalima ito sa Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Napaso ang prangkisa ng broadcast giant noong May 4, 2020.

Hindi binigyan ng NTC ng provisional authority ang ABS-CBN upang mag-operate habang ang franchise renewal nito ay nakabinbin sa Kongreso.

Read: ABS-CBN went off the air 7:52 tonight, May 5, 2020

Ibinasura naman ng Kongreso ang application for franchise renewal ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Ang resulta ng botohan: 70-11-2-1.

Pitumpu ang pabor na ibasura ang hinihiling na prangkisa ng ABS-CBN, labing-isa ang kumontra, dalawa ang nag-inhibit, at isa ang nag-abstain.

Ito ay matapos ang paspasang walong pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagsimula ng May 26, 2020 at natapos ng July 9, 2020—o sa loob lamang ng isang buwan at kalahati, o eksaktong 45 days.

Dominado ng mga kapartido at kaalyado ng Pangulo noon, si Rodrigo Duterte, ang Kongreso.

Malinaw namang may personal na galit ang Pangulo sa Lopez Family, ayon na rin sa binitiwang statements ng Pangulo na inilabas niya sa media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

Mula noon, sa ABS-CBN platforms sa YouTube, Facebook, at Kapamilya Online Live, at sa A2Z at TV5 na napapanood ang mga palabas ng network.

Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang ABS-CBN ukol sa ulat.

2022: VILLAR GETS ABS-CBN CHANNELS

January 25, 2022, inanunsiyo ng NTC na ginawaran nito ng 18-month provisional authority ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) para mag-operate ng digital TV broadcasting system sa Metro Manila.

Gagamitin ng AMBS ang Channel 16, habang magsisilbing simulcast channel nito ang Channel 2.

Ang AMBS ay pagmamay-ari ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar at ng asawa nito at kasalukuyang senador na si Cynthia Villar.

Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies

Ang AMBS ngayon ang parent company ng ALLTV.

Si Villar, 72, ay pangalawa sa listahan ng mga pinakamayang tao sa Pilipinas, ayon sa Forbes List 2021. Tinatayang mayroon siyang net worth na $67.5 billion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Channels 2 at 16, ipinamahagi na rin ng NTC ang dalawa pang dating broadcast frequencies ng ABS-CBN.

Ang Channel 23—na dating Studio 23 at Sports+Action (S+A) ng ABS-CBN— ay ibinigay na sa Aliw Broadcasting Corporation.

Ang Aliw Broadcasting Corporation ang nagpapatakbo sa DWIZ at Philippine Business Daily Mirror, na nasa ilalim ng ALC Group of Companies ng namayapang negosyanteng si Antonio Cabangon-Chua.

Pagmamay-ari rin ng ALC Group ang Nine Media Corporation, na nagpapatakbo sa CNN Philippines.

Samantala, ang Channel 43—na gamit noon ng digital channel na ABS-CBN TV Plus—ay ibinigay na ng NTC sa Sonshine Media Network, Inc. (SMNI) ni Pastor Apollo Quiboloy, ang "spiritual adviser" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Quiboloy ay wanted ngayon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa pagkakasangkot umano nito sa labor trafficking at sex charges.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to an online report, the old building of ABS-CBN in Quezon City is being demolished later this year to pay for operational expenses of the station.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results