Nasa next level na ang sinusubaybayang love life ni KC Concepcion.
Mula kasi sa cropped couple photos na pino-post noon ng dalaga sa Instagram to face reveal nitong Valentine's Day, may comment na mismo sa sinasabing boyfriend niya na si Steve Michael Wuethrich (also Wuethrich).
Kagabi, March 9, 2023, nag-post si KC ng Instagram Reel tungkol sa kanyang pagbisita sa isang sikat na dermatology clinic.
Mapapansin namang sa bandang dulo ng video ay dumakot ang isang lalaking hindi nakita ang mukha ng white chocolate na hugis puso at ibinigay sa kanya.

Ang caption ni KC sa post, “Nope, you’re not stealing my heart!! [face savouring delicious food emoji] @theaiveeclinic #AiveeMoments #AiveeLove”
View this post on Instagram
At isang lalaki na may Instagram handle na @wanderingwatches ang nag-comment ng: "You stole mine though [winking face, partying face emojis] @kristinaconcepcion"

Kapag iki-click ang nasabing Instagram account, tatambad ang profile ni Mike Wuethrich at ang ilang pictures na ikinalat na ng fans noong January 2023.
Isang kakilala ni Mike Wüthrich ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Mike ay si Steve Michael Wuethrich, ang napabalitang Filipino-Swiss boyfriend ni KC.

Back to the post and comment, kinilig ang maraming followers ni KC.


Matatandaang noong Araw ng mga Puso, February 14, 2023, opisyal nang ibinandera ni KC ang mukha ni Mike sa pamamagitan ng Instagram Reel.
Sa 28-second video, makikita ang dalawang pares ng brown boots na sabay naglalakad.
Then nag-pan ang camera sa lugar, na tinukoy ng ilang followers ni KC as Galleria Vittorio Emanuele, ang pinakamatandang shopping gallery sa Milan, Italy.
Sa bandang dulo, makikita sina Mike at KC na sweet na sweet.
Caption ng dalaga: “Happy Valentines, beautiful people [woman fairy, roses emojis]"
Super kilig naman ang mga kaibigan at followers ni KC sa comments section.
Ilang netizens ang nagsabing "soft launch" ang pagsasapubliko ni KC sa hitsura ng kanyang boyfriend.
Nitong nakaraang January 2023, inilabas ng PEP.ph ang scoop tungkol sa sightings ng dalawa.
Ayon sa mga sources, sumusulput-sulpot na si Mike at ilang parte ng katawan niya, gaya ng kamay at paa, sa vlogs at reels ni KC noon pang second quarter ng 2022.
Namataan na rin siya sa Instagram feed ng ina ni KC na si Sharon Cuneta nung nag-post ang huli ng isang reel capturing moments from her birthday dinner with family noong Enero 6, at nahagip din ng camera si Mike.
Unang namataang magkasama sina KC at Mike noong November 2022 sa Dubai.
Noong panahong iyon ay nanood sila ng dance concert ng malapit na kaibigan ni KC na si Teacher Georcelle Dapat Sy at ng G-Force.
Nakuhaan ng camera ng The Filipino Channel (TFC) ang dalawa sa audience area.
Read: Is KC Concepcion currently dating a Filipino-Swiss guy?
May nakapagsabi ring nakita sina KC at Mike noong Enero 22, na nag-"kiss" sa Emirates flight noong lumipad sila from Manila to Zurich, Switzerland, kung saan naka-base ang lalaki.
Read: KC Concepcion spotted "kissing" Swiss-Pinoy boyfriend aboard Emirates flight
Ang huling na-link kay KC ay si apl.de.ap, a.k.a. Allan Pineda Lindo, member ng international hip-hop group na Black Eyed Peas.
