PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Director on Coco Martin replacing Aljur Abrenica"

Brillante Mendoza hopes Apag to win at the box office, not sweep awards.
by Jerry Olea
Published Mar 22, 2023
brillante mendoza coco martin apag
Director Brillante Mendoza on working again with Coco Martin: “Tsaka si Coco, pagdating sa set, sa aming dalawa, yung parang… artista siya. Never siyang nakialam. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Center Stage Production

Tutulak na patungong Pampanga ang Centerstage Productions para sa shooting ng pelikulang Apag noong Disyembre 2021 nang biglang mag-back out ang lead actor na si Aljur Abrenica.

Blessing-in-disguise ba iyon dahil ang sumalo sa role ay si Coco Martin?

“Siyempre naman, Coco Martin yan, e! Di ba?” pagngiti ni Direk Brillante Mendoza sa intimate chikahan nitong Marso 21, 2023, Martes ng hapon, sa kanyang tahanan sa Barangka Drive, Mandaluyong City.

“Pero at the same time, parang ano, e, matagal din ang mga usapan namin ni Aljur saka alam kong Kapampangan siya.

“So, parang… ayun. Pero siguro it’s not really meant sa kanya yung project.”

Ang Apag ay isa sa walong official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (April 8-18, 2023).

Tampok si Aljur sa dalawang kalahok dito na Single Bells at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

Read: 1st Summer Metro Manila Film Festival official entries announced

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang nangyari at naudlot si Aljur sa Apag?

“Ayun, tumawag at nag-back put a few days before pull out,” pagbuntong-hininga ng multi-awarded director.

Ano ang dahilan?

“Hindi niya sinabi at all. Wala na siya. Pero according to the manager, parang natakot siya,” lahad ni Direk Brillante.

“At saka ano, nung nag-Kapampangan daw siya sa kanila, sabi, sabi nung manager… pinagtawanan daw siya ng mga kapatid niya saka nung tatay niya.

“Yung parang… alam mo yun?”

Hindi authentic ang pagsasalita ng Kapampangan?

Napatango si Direk Brillante, “Hindi authentic. Siguro na-insecure siya.”

apag poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALJUR ABRENICA OUT, COCO MARTIN IN

Ano ang naramdaman niya nang biglang umatras si Aljur sa project considering na handa na ang lahat sa produksiyon para sa mag-shooting?

“Siyempre nataranta ako. Nataranta ako! Ha! Ha! Ha! Kasi, naka-set up na kami, di ba?” natawang pagbabalik-tanaw ni Direk Brillante.

“Nung araw na yun, nagkausap kami ni Coco. Sabi ko, ‘Ewan ko, may problema ako.’

“Pag may problema siya sa set ng Probinsyano, tumatawag yan. Ang sabi ko, ‘May problema ako, ganyan-ganyan! Si Aljur, nag-back out!’ ‘Ahh!’

“Sabi niya, ‘Bakit?’ Tapos kuwento ako, ganyan-ganyan. Sabi niya, ‘Kung wala lang akong problema sa ano, di ako nagte-taping, ako na yan, e!’

“Hindi ako naniwala sa kanya. Kasi, busy siya. ‘Paano ka mawawalan ng taping, e, araw-araw nagte-taping ka?’

“E, magpa-Pasko yata yun. Sabi niya, ‘Hindi, may break ako,’ sabi niya, ‘may break ako ng ganito-ganito.’

“E, di tinawagan ko siya the following day. ‘Uy, seryoso ka ba?’ Sabi niya, ‘Oo!’ sabi niyang ganun. ‘O, kailan ka libre?’ ‘Puwede ako sa ganito-ganito.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘O sige, sige! Ayusin ko ang schedule.’ O, di nag-shooting kami bigla. Wala siyang Christmas vacation. Nag-shooting siya.”

Nag-shoot si Coco for eight days para sa Apag.

REUNION MOVIE WITH DIREK BRILLANTE MENDOZA

Ang sabi ni Coco sa BTS (behind-the-scenes) video sa last day ng shoot, buo ang tiwala niya kay Direk Brillante at gusto niyang makatrabaho iyong mga artista sa Apag.

Naging reunion movie tuloy iyon nila ng co-stars niya sa Serbis (2008) na sina Jaclyn Jose, Gina Pareño, Julio Diaz, at Mercedes Cabral.

Itong Apag ang unang pelikulang syinuting ni Julio matapos itong makalaya sa pagkabilanggo.

Read: Direk Brillante Mendoza reveals Coco Martin's unchanged habit

Kuwento pa ni Direk Brillante, “Binibiru-biro pa ni Coco si Julio na parang galing lang ito sa bakasyon.”

Nasa cast din ng Apag sina Gladys Reyes, Lito Lapid, Ronwaldo Martin, Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon, at Mark Lapid.

Read: Lito Lapid, Julio Diaz, Gladys Reyes balik-pelikula sa Apag ni Brillante Mendoza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

brillante mendoza apag cast

Direk Brillante Mendoza (second from left) with Apag cast (from left) Ronwaldo Martin, Coco Martin, Julio Diaz, Jaclyn Jose, Mark Lapid, and Lito Lapid.

Kasagsagan pa ng pandemya nang magsyuting sila sa ilang bayan sa Pampanga, kabilang ang Guagua at Sta. Rita.

“Although maganda yun kasi parang dun na kami nakatira sa resort kung saan kami nagsyuting. Si Jane [palayaw ni Jaclyn], dun na rin siya tumira,” saad ni Direk Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pinaka-challenging dun, alam mo yun, anlalaki ng mga artista, lalo na si Coco.

“So, parang… kailangang i-cordon mo ang buong ano. Dinudumog siya. Kahit hindi mo i-announce na nagsusyuting siya, alam! Nakakarating talaga!

“Kaya sabi namin, ‘Madaling araw, ha? Madaling araw tayo para walang tao, ha?’ Naku, hindi! Andaming tao sa palengke.”

TALENT FEE IS NOT A PROBLEM WITH COCO

Walang problema si Direk Brillante sa TF (talent fee) ni Coco. Reunion movie nila ang pelikulang Pola kasama sina Julia Montes at Raymart Santiago, bago nasundan nitong Apag na mauuna pang ipalabas.

Read: Direk Brillante Mendoza, sinagot kung package deal sina Coco Martin at Julia Montes sa pelikula

“Si Coco naman, kahit hindi kami nagkakatrabaho, madalas kaming magkuwentuhan sa mga trabaho!” bulalas ni Direk Brillante.

“Kaya parang alam ko yung ginagawa niya, alam niya yung ginagawa ko. Kaya ito nga, nung nabanggit ko yung Apag, nag-volunteer siya na, ‘Ako na lang pag ano, pag OK, ganyan-ganyan.’ ‘Oo, sige,’ sabi kong ganun sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tsaka si Coco, pagdating sa set, sa aming dalawa, yung parang… artista siya. Never siyang nakialam. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon.”

Kinailangan bang baguhin ang istorya ng Apag nang saluhin ni Coco ang role ni Aljur?

“Oo. In a way, yes. Kasi hindi siya fluent Kapampangan. So, hindi ko siya pinilit,” paglilinaw ni Direk Brillante.

“Kasi yan yung sinasabi ko. Si Aljur, nag-back out kaagad siya, natakot. Samantalang puwede naman naming ayusin, di ba?

“I mean, puwede mo naman siyang i-adjust. Hindi naman siya absolute na dapat mag-Kapampangan.

“Kasi sa Pampanga nga ngayon, karamihan ng mga kabataan, wala nang nagka-Kapampangan, e.

“English, Tagalog. Ako nga, kung wala akong kausap na Kapampangan, medyo ano na ako, e. Medyo kuwan na.

“Kaya minsan natatawa sila pag nag-Kapampangan ako. Kasi parang hindi na dire-diretso. Di ba, pag hindi ka napapraktis?”

HOPING FOR AWARDS?

Sa napakaraming awards na naipon ni Direk Brillante sa kanyang Trophy Room, inaasam pa ba niyang humakot ng parangal ang Apag sa 1st Summer MMFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napailing si Direk Brillante, “Hindi. Gusto ko siyang kumita! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Gusto kong kumita!”

Minsan, iyong pelikulang humakot ng awards sa MMFF ay umaariba kapagkuwan sa takilya.

“Ahh well, tingnan mo yung nangyari sa Mindanao! Ha! Ha! Ha!” maigting pang halakhak ni Direk Brillante.

Ang pelikula niyang Mindanao (2019) ay nagtamo ng labimpitong awards sa 45th MMFF, kabilang ang best picture, best director, best actress (Judy Ann Santos), best actor (Allen Dizon), best screenplay, best cinematography, best editing, best production design, best sound, ultimo best float.

“Magkalapit nga kami nun ni Aga [Muhlach]. Nasa likod ko siya.”

Bida noon si Aga sa comeback film niyang Miracle in Cell No. 7, na topgrosser ng filmfest.

Pagpapatuloy ni Direk Brillante, “Palagi niya akong ginaganun sa likod, ‘Direk, pahingin namang isa!’ Kasi, float pa lang, kami na, e.

“Best child performer, best musical score, sunud-sunud na, e. ‘Meron pa bang matitira sa amin?’ sabi niyang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, ine-expect talaga siyang mananalo na best actor. E, hindi siya nanalo. ‘Direk, pahingi namang isa.’

“Sabi ko, ‘Bigyan mo ako ng P500,000, ibigay ko sa yo yung isa. Palit tayo! Ibigay ko sa yo yung isa!’

“Sabi ko sa kanya, ‘Box-office o ano?’ ‘Box-office!’ Ha! Ha! Ha! Ayun!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Brillante Mendoza on working again with Coco Martin: “Tsaka si Coco, pagdating sa set, sa aming dalawa, yung parang… artista siya. Never siyang nakialam. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Center Stage Production
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results