Si Gabby Eigenmann ang gaganap na Commander Robinson sa cast ng Voltes V: Legacy.
Ang karakter niya ang pinuno ng Earth Defense Force na siyang nagpoprotekta sa mundo laban sa mga aliens. Isa rin siya sa mga bumuo sa robot na si Voltes V.
Siya rin ang ama ni Jamie Robinson, na gagampanan ni Ysabel Ortega, na isa sa miyembro ng Voltes V team.
Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby, ano ang pinakamatinding challenge sa role niya?
Sagot ng aktor, “At first, challenging is the physical, physical look because we all know Commander Robinson is a really, really big guy.
"Älam mo naman ako pagka kunyari may nag-offer sa aking project, I work on the character.
“I’m not saying na talagang matindi pagka-method actor, hindi naman ganun. Pero yung… I want it to be believable, physical pa lang.
“So nakatulong yung after surviving this pandemic, yes, I gained a little weight.
"But it helped me also na since binigay sa akin yung character na Commander Robinson, sabi ko, ‘Sige! Should I put on a little more weight?’
“Para at least yung ma-feel ko yung pagiging, kasi really, big guy siya, e. Then, na-achieve naman, I really looked big sa screen.
"But then again andun yung, hindi naman nagkakaroon ako ng regrets, kasi ngayon, nahihirapan akong magpapayat,” at tumawa si Gabby.
"I’m getting there. Pero iyon, isa yun sa medyo naging challenging for me, to maintain that look, a big guy look.
"But at the end of the day, since natapos na namin, eto ngang next challenge ko is how to lose that weight again.”
Challenging din daw para kay Gabby ang mga linya niya sa serye.
Aniya, “Kasi there’s… the lines that are given sa script pa lang, usually, yes we study it, we memorize it.
"But when we come to the set nag-iiba siya kasi may mga jargons, different terms, scientific terms.”
Ayon sa Google Dictionary ang jargon ay “special words or expressions that are used by a particular profession or group and are difficult for others to understand.”
Pagpapatuloy pa ni Gabby, “Actually sa lahat ng mga projects na nagawa ko sa GMA, it’s all challenging.
"This one it’s different because first time ako na mag-lead at mag-command. So dun ako nahirapan sa mga commands.
“Like, pag kunyari andiyan na yung mga aliens, yung mga beast fighter na ganyan.
"There are terms na medyo, ‘Uy, puwede bang ulitin natin yun? Puwede bang ulitin kung paano ko sabihin?’
“Kasi, mahirap, mahirap intindihin in a way, but along the way medyo nasasanay na kami.
“Mahirap! For me, medyo ito naging challenge sa akin is delivering the lines, that it wouldn’t even sound like it was dubbed.
"Kailangang yung tunog niya commanding in reality although we know that it’s fantasy, di ba?"
Ang natatawang sabi pa ni Gabby, “Mahirap, mahirap pag sci-fi, mahirap pag sci-fi, but we went thru everything, okay naman, natuwa naman kami kahit papano natapos at naitawid namin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby via Zoom sa pocket interview sa mga cast ng Voltes V: Legacy nitong April 13, Huwebes.
Ang iba pang bida at miyembro ng Voltes V ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landicho bilang Little Jon.
Mapapanood na ang Voltes V: Legacy ngayong Mayo sa GMA Telebabad.
Pero simula sa April 19 ay mapapanood sa mga SM Cinemas ang Voltes V: Legacy The Cinematic Experience, ang special edit ng mga episodes ng show sa unang tatlong linggo nito.
Samantala, mapapanood rin si Gabby sa pelikulang Papa Mascot kung saan bida si Ken Chan at kasama rin sina Miles Ocampo, Erin Espiritu, Jericho Arceo, Tabs Sumulong, Sue Prado, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta, at Liza Diño.
Ito ay mula sa produksiyon ng Wide International, sa panulat ni Ralston Jover at sa direksyon ni Louie Ignacio.
