PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana happy with Voltes V role

“Naku wala pong lungkot whatsoever!"
by Rommel Gonzales
Published Apr 19, 2023
Carla Abellana
Carla Abellana, who is playing Mary Armstrong in Voltes V: Legacy, does not mind having brief appearance in the hit anime series.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

"Ibang level" daw ang Voltes V: Legacy, ayon kay Carla Abellana.

Mapapanood na sa darating na Mayo ang GMA-7 live adaptation ng sikat na anime, kung saan gaganap si Carla bilang si Mary Ann Armstrong.

Sabi ni Carla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi raw siya nahirapan sa action scenes.

Aniya, “Hindi naman po, hindi naman po first time ng may action scenes, pero, siyempre ibang level po yung dito.

"Given na ang lalaki po ng mga explosions, ang lawak po ng mga set, of course and daming parang equipment, mga materials, mga weapons, ganun po, gears. So mas malaki, bigger movement, bigger action, mga ganun.

“So iyon lang naman po yung kaibahan."

Pagtitiyak pa ni Carla, mayroon naman silang natanggap na training and support para sa mga ganitong eksena.

"Hindi naman po sobrang nahirapan because kumpleto po, e, talagang kumpleto yung kailangang support. May mga nag-te-train po talaga sa amin, may nag-ga-guide sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, may mga stunt doubles po and stunt directors, mga effects na teams, ultimo make-up, lahat kumpleto po.

"So kahit mahirapan man po kami, mas magiging mahirap po siguro kung wala po silang lahat."

Hindi naman daw karamihan ang action scenes ng character ni Carla.

“So minor lang naman po in terms of yung sa aking character. Of course the action, all the fight scenes are more on the… yung ibang characters po, pero just enough na nakapaglaro din po ako at na-enjoy ko din po yung mga ganung eksena,” kuwento sa amin ni Carla sa pocket interview para sa cast members ng Voltes V: Legacy nitong Huwebes, April 13, 2023.

READ:

Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.”

Carla Abellana posts cryptic message: “A day I’ll never forget”

CARLA ABELLANA'S ROLE IN VOLTES V: LEGACY

Hindi mapapanood si Carla Abellana sa buong pag-ere ng series sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay dahil hindi ganoon kahaba ang naging parte ni Mary Ann Armstrong, ang role na gagampanan ni Carla.

Alam ito ng mga avid fans ng hit anime series ng Japan na ipinalabas dito sa Pilipinas noong May 1978. Kung ikinalulungkot ng fans ang maikling paglabas ni Carla sa live adaptation, iba naman ang pakiramdam ng aktres.

READ: Why was Voltes V's airing cancelled and banned during Martial Law

“Naku wala pong lungkot whatsoever!" bulalas ni Carla sa panayam ng PEP.ph.

"In fact, para po sa akin, more than enough na po yun na in terms of yung time and exposure.

"Parang ganun po, aware naman po ang lahat, most especially yung mga fans ng Voltes V dun sa role na Mary Ann Armstrong, hindi naman po secret iyan, yung kanyang appearance, yung exposure po niya and kung ano yung nangyari sa character ni Mary Ann Armstrong.

“So ako po, hindi po, grabe sobrang hindi po, hindi po ako nabitin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglilinaw naman ni Carla, maaring sandali lang siyang makikita sa inaabangang serye, pero matagal na oras din ang ginugol niya sa production.

Aniya, "Mabilis kung tutuusin po yung role, pero hindi ko po naramdaman yun in terms of yung sa taping, sa aking pagiging part po ng production.

"Hindi ko naramadaman yun kasi ilang buwan din po akong… actually one year, one year din akong naging part ng production ng Voltes V: Legacy, spread out po talaga siya.

“So kung maikli man po yung exposure ni Mary Ann Armstrong onscreen, e, yung behind-the-scenes hindi po. Kaya wala pong bitin-bitin, wala pong ganung ano.

“So sobrang na-enjoy ko po yung buong proseso."

special screening

Matinding excitement na ang nadarama ni Carla dahil bukod sa ipapalabas na ang Voltes V: Legacy sa telebisyon, mayroon din itong special screening na tinatawag na Voltes V Legacy: The Cinematic Experience.

Mapapanood ang special edit ng unang tatlong linggo ng Voltes V: Legacy sa mga SM Cinemas simula April 19, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Carla, “Sobrang excited po ako kasi naiinggit po ako na hindi ako laging nakakasama sa viewing, whether sa mga edited na short clips or edited na mga big scenes, yung pilot week.

“Ito pong cinematic version or theatrical version, wala po akong napanood sa kanila, e, kasi lagi pong timing na may trabaho po ako kung kailan may get-together or may gathering po or may viewing.

“So lalo po akong na-excite kasi lagi ko pong naririnig sa kanila yung kuwento, yung feedback po nina direk Mark [Reyes], ng aming program manager, si Ms. Helen [Rose Sese], and, of course, my co-actors, lalo na po yung mga bata.”

Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landicho bilang Little Jon.

“So lalo po akong na-e-excite and nabibitin like everybody else kasi wala pa po akong idea, wala pa po akong napapanood. Kaya nga po kung pupuwede lang ngayon, e, manghingi ng kopya nung cinematic version, papanoorin ko po agad..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But, of course, i-ano ko na lang po yun para talagang genuine yung maging reaction ko kapag napanood ko na po.”

Sa April 18, 2023, Martes ng gabi, ginanap ang nasabing premiere night ng Voltes V: Legacy sa Cinema 3 ng SM North The Block.

Samantala maaring bumili ng ticket para sa Voltes V Legacy: The Cinematic Experience online at sa mga SM Cinema App at SM Cinema ticket booths.

Mapapanood rin sa Voltes V: Legacy sina Martin del Rosario bilang Prinsipe Zardoz, Liezel Lopez bilang Zandra, Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana, who is playing Mary Armstrong in Voltes V: Legacy, does not mind having brief appearance in the hit anime series.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results