PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon on Playing Doc Carlos Perks

"...mas malaki ang kita sa TV dahil regular siya."
by Rommel Gonzales
Published May 14, 2023
Allen Dizon as Doc Carlos in Abot Kamay na Pangarap
Allen Dizon plays Doc Carlos in Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Screen Grab from Abot Kamay na Pangarap

Hindi man siya bahagi ng original cast, itinuturing ni Allen Dizon na isang "blessing" ang pagpasok niya sa hit Kapuso series na Abot Kamay Na Pangarap.

“Blessing pa rin sa akin kasi, di ba, the mere fact na kinuha ka ng pinakamataas na rating and pinakamagandang show ngayon, nakikita ko, parang blessing pa rin kahit hindi ako kasama sa simula," bulalas ni Allen sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa niya, “Baka kasama ka nga sa simula tapos pinatay ka naman, so okay na yung dumating ka nang medyo late tapos hanggang dulo ka, di ba?”

Gaganap si Allen bilang si Dr. Carlos Benitez, na magkakaroon ng ugnayan sa karakter ni Lyneth Santos, na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.

Biro ng writer na ito kay Allen, handa ba siyang pagselosan ng mister ni Carmina na si Zoren Legaspi?

Tumawa muna si Allen bago sumagot.

“Si Carmina, nag-partner na kami sa Doble Kara,” pagtukoy ni Allen sa 2015 TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Julia Montes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang beses na gaganap si Allen bilang isang doktor, at aminado siyang maraming kailangang pag-aralan para sa role.

“Hindi naman [nag-workshop], pero kailangan mong pag-aralan yung mga medical terms nila, ang dami! Mahirap yung mga medical term.

“So kailangan talagang pag-aralan. Alam naman natin pag soap, ang daming daldalan, di ba, ang daming mga dayalog.

“Ang daming iba-ibang style ng direktor.”

viral series

Patuloy na mataas ang ratings ng Abot Kamay Na Pangarap, at isa ito sa top-rating series ng GMA-7 na palaging nagba-viral. Dahil dito, sigurado na ang pagkakaroon nito ng extension.

Hanggang kailan ma-e-extend ang serye?

“Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati hanggang July.

“So ngayon parang another extension na naman.”

READ Carmina Villarroel ecstatic over Abot Kamay na Pangarap extension

Mas naging popular si Allen sa social media mula noong gumanap siya bilang Doc Carlos, na siyang ama ni Zoey, na ginagampanan naman ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang hindi makapagpigil na pansinin ang kaguwapuhan ng tatay ni Zoey. Tatay ni Zoey

Ano ang reaksiyon ni Allen sa ganitong pagtanggap ng tao sa kanya?

“Siyempre, di ba, parang iba rin yung napapansin yung, iyon nga, napapansin yung itsura mo, yung dating mo, bagay na maging doktor, yung mga ganun.”

Para kay Allen, na mas nakilala bilang isang film actor, iba ang perks ng pag-arte sa teleserye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglalahad niya, “Siyempre maraming iba’t-ibang character, iba-ibang role, and, let’s face it, mas malaki ang kita sa TV dahil regular siya.

“Iyon ang fulfillment ng mga artista, may regular na trabaho.

“At mas malakas ang recall mo sa audience, yung familiarity ng mga tao kasi nakikita ka sa TV almost everyday.”

Lalo pa nga at sikat na sikat ang Abot Kamay Na Pangarap, na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag.

“Kahit saan ka pumunta ngayon may nagpapa-picture sa iyo, tinatawag ka sa pangalan mo na Doc Carlos.”

Bago ang Abot Kamay Na Pangarap, naging bahagi rin si Allen ng GMA series na Return To Paradise nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nitong nakaraang taon.

camaraderie with castmates

Biro muli ng writer na ito kay Allen, nai-insecure na sa kanya si Richard Yap, ang gumaganap sa main male character ng Abot Kamay Na Pangarap na si Dr. RJ Tanyag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman,” at tumawa si Allen.

“Actually, napakasaya ng grupong Abot Kamay Na Pangarap.

“Napakasaya nilang kasama, para kang nasa bahay lang na kuwentuhan lang kayo, sabay-sabay kumain, nagti-TikTok sila.”

Maging siya raw ay napa-TikTok na rin kasama ang grupo.

“Sumasama ako minsan-minsan, hinihila ako ni Zoey.”

Napasayaw rin siya?

“Sayaw na kung anu-ano lang,” at muling tumawa si Allen.

“Hindi naman ako sumasayaw. Anak ko nga, lahat sila nagti-TikTok ako. Ano lang… sumasayaw naman talaga ako, di ba, those were the days, yung sa Viva Hot Men, pero ngayon parang hindi na bagay.”

ALLEN'S NEW BUSINESS

Samantala, co-owner at kasosyo na si Allen ng Wing Commander restaurant.

Wala naman daw conflict kung nagmamay-ari rin si Allen ng Gerry’s Grill sa NLEX.

“Okay lang yun, hindi naman ako ang endorser ng Gerry’s Grill at saka ibang restaurant kaya okay lang,” pakli ni Allen sa mediacon para sa contract signing nila ni Jeff Besas na co-owner ni Allen ng Wing Commander.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Allen Dizon now a franchisee of Wing Commander. Also in photo: Jeff Besas

Ginanap ang contract signing sa Pandan Asian Café sa Quezon City nitong Miyerkules, May 3, 2023, na ipinatawag ng manager ni Allen at film producer na si Dennis Evangelista.

“At puro Manila pa ito [Wing Commander], Manila, Tagaytay, yung sa akin [Gerry’s Grill] Pampanga.

“Pero pag dumating ito sa Pampanga, siyempre kumbaga ilalayo namin nang konti sa Gerry’s,” at tumawa si Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit puro negosyong may kinalaman sa pagkain ang mga investment ni Allen?

“Siguro iyon yung kailangan ng tao, e, basic need ng tao. Tapos mahilig ako sa mga pagkain din.

“And alam ko na, para sa akin kasi, kung ibang mga negosyo naman, like, for example yung hindi mo kabisado, e, naumpisahan ko na, before yung Kenny Rogers, so nakita ko naman na okay yung business na food business.

“Lalo na yung mga Kapampangan, mahilig sa pagkain, maarte sa pagkain.

“E, itong Wing Commander, kumbaga masarap yung food nila, kaya kahit na hindi ako yung endorser kumakain ako.”

Tinanong namin si Allen, kung pagkain siya, anong klase ng pagkain siya?

“Ah, ayan, Wing Commander ako!

“Ah ano ako, wing, chicken wing, dahil ano, lumilipad, mahilig silang lumipad,” at muling tumawa si Allen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon plays Doc Carlos in Abot Kamay na Pangarap.
PHOTO/S: Screen Grab from Abot Kamay na Pangarap
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results