“Walang maiiwan! It’s an exodus!”
Ito ang tiniyak ni Tito Sotto pagdating sa hosts at production staff ng Eat Bulaga! kaugnay ng desisyon nilang kumalas sa TAPE Inc. matapos ng 44 taon.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
"They all signed a letter of courtesy informing TAPE that they are disengaging.
“It’s an exodus. Everybody. Everyone,” sabi ng former Senate Pesident sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Huwebes ng tanghali, June 1, 2023.
Sa kasalukuyan, ang regular na napapanood sa Eat Bulaga! ay sina Tito, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Allan K, Pauleen Luna, at Maine Mendoza.
Kasama rin sa pag-alis nila ang buong production staff ng Eat Bulaga!.
Diin ni Tito: "Walang maiiwan."
Ibig sabihin, kung ipagpapatuloy ng TAPE ang daily operations ng Eat Bulaga!, isang
overhaul ng hosts at personnel na ang kanilang gagamitin.
Ngayong Huwebes ay replay pa rin ang ipinalabas sa Eat Bulaga!.

Nang tinanong ng PEP.ph kung kasa-kasama ang mga Dabarkads sa mga importanteng usapan ng pananatili o pag-alis sa programa at sa pakikipag-usap sa mga abugado, walang pasubaling sinabi ni Tito na kasama sila.
“Yeah, lahat kami, oo! As much as possible, lahat kami!
"Pagka merong mga [maliliit na isyu], small group... pagka vital ang pag-uusapan, yung big group...” pagdetalye ng TV host-politician.
NOONTIME SHOW ON GMA-7
Samantala, ibinahagi rin ni Tito kung ano ang nalalaman niya tungkol sa mga pagbabagong gagawin ng TAPE sa Eat Bulaga! ngayong wala na ang mga hosts at production staff nito.
“Ang pinaplano nila, yung mga artista ng Channel 7 yung gagamitin, yung Sparkle. Yun ang balita,” ani Tito.
Ang "Sparkle" na tinutukoy ay ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso Network.
Ano ang masasabi ni Tito na hindi maiiwasang maikumpara sa kanila ang ipapalit na noontime hosts ng GMA-7?
“Siguro, e. Siguro, baka gusto nila, e. Hindi ba? Okay lang,” tugon niya.
UPDATE: gma7'S ANNETTE GOZON's message to PEP.ph
Nagpaabot ang PEP.ph sa GMA7 ng tanong tungkol sa usap-usapang ang mga Sparkle artists nito ang papasok sa Eat Bulaga!
Sa natanggap naming mensahe mula kay GMA7 executive Atty. Annette Gozon-Valdes, nitong gabi ng June 1, 2023, nagkaroon ng kumpirmasyon na may mga Sparkle artists sa bagong cast ng noontime show.
Sila ang papalit sa TVJ at Dabarkads.
Nilinaw naman ng senior vice-president ng network na hindi ito kaiba sa naging kalakaran sa mga nagdaang taon sa pagitan ng management ng GMA7 network at ng blocktimer nitong TAPE.
Matagal na raw hinihiraman o nagta-tap ng talents ng network para sa mga palabas ng EB.
Ibig sabihin, ang GMA7 ay third-party supplier ng talents.
At gaya rin daw ng dati, "on an arms length basis" ang kalakarang ito.
Na sa intindi ng PEP.ph ay nangangahulugang ang GMA7 management ay hindi nangingialam sa mga artistang pipiliin ng TAPE at hindi nagdidikta sa contractual talents nitong lumabas sa programa.
Ibig sabihin, sa pagkakaintindi pa rin ng PEP.ph, kung walang masisira sa commitments ng Sparkle artists sa network ay malaya ang mga itong magdesisyong lumabas sa Eat Bulaga!
Kung may kontrata ang artists sa TAPE at kung gaano kahaba ang tatakbuhin nito ay hindi pa malinaw.
Kung sino pa— liban sa Sparkle artists— ang kukunin ng TAPE bilang hosts at performers ay hindi pa rin malinaw.
Ito ang kabuuang mensahe ni Annette Gozon, published as is:
"They approached Sparkle as a management group to inquire about artists they want to tap. We have been supplying artists to Eat Bulaga for many years now. As a management group, we are dealing with them on an arms length basis as we have always done in the past."
Read:
- Pag-alis ng Tito, Vic & Joey sa TAPE, nag-iwan ng maraming katanungan
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- Judy Ann Santos, Regine Velasquez, other celebs heartbroken by TVJ farewell; Maine Mendoza bids goodbye to 'Eat Bulaga!'
BACKSTORY: EAT BULAGA’S INTERNAL WARS
March 2023 nang unang mapaulat ang sigalot sa Eat Bulaga! kasunod ng pag-take over ng new management ng TAPE, Inc.
Ang nag-take over ng management ay sina Bullet, Jon, at Soraya, ang tatlong anak ng owner ng kumpanya na si House Representative Romeo Jalosjos.
Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
Kasunod nito ay nagsunud-sunod na ang mga bali-balita tungkol sa “floating” status ng ibang hosts bilang bahagi umanong “rebranding” ng noontime show.
Status ng Eat Bulaga hosts at staff, floating pa; Dabarkads pa rin kaya sa EB sa Holy Week?
April 19, 2023 nang nasulat ang pagsasalita ni Bullet Jalosjos na sinabing mananatili sa Eat Bulaga! sina Tito Vic and Joey.
TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'
Later part ng April ay lumabas ang exclusive interview ng PEP.ph kay Tito na ibinunyag ang tunay na nangyayari sa Eat Bulaga!
Watch:
- Tito Sotto, IBINUKO ang gustong mangyari ng mga Jalosjos sa Eat Bulaga! (PART 1)
- Tito Sotto sa tanong kung NALULUGI ang Eat Bulaga!: "HINDI!" (PART 2)
- Tito Sotto, INILANTAD ang ginawa ng TAPE, Inc. sa kapatid na si Vic Sotto (PART 3)
- Tito Sotto: Ryzza Mae, pinatatanggal; Vic at Joey handa na ring magsalita! (PART 4)
Kabilang na rito ang talent fees ng ilang hosts na hindi pa nababayaran na malaking halaga.
May mga rebelasyon din si Tito tungkol sa mga gustong mangyari ng new management pagdating sa hosts at sa financial status ng TAPE, Inc. at ng Eat Bulaga!
EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
