PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Network remains neutral in TVJ-TAPE Inc. split

Atty. Annette on TVJ: "Labas ang GMA sa issues nila with TAPE..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 3, 2023
GMA Network remains neutral over TVJ, TAPE Inc. dissociation
GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes (left) on the TVJ (right) and other Dabarkads leaving TAPE Inc.: "It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin."
PHOTO/S: GMA Network YouTube, Eat Bulaga Facebook

Nagsalita na si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes hinggil sa isyu sa pagitan ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, at sa mga lumisang host ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Ang TAPE Inc. ay blocktimer sa noontime programming ng GMA7.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Sa panayam ni Atty. Annette sa 24 Oras nitong Biyernes, June 2, 2023, nilinaw nitong hindi kontrolado ng Kapuso network ang mga nangyayari sa Eat Bulaga! at wala silang pinapanigan sa sigalot sa pagitan ng hosts at producers.

Inaamin naman niyang maging sila ay nalulungkot sa pagkalas ng TVJ at iba pang co-hosts sa TAPE Inc.

Read: Eat Bulaga! co-hosts, nag-resign na rin sa TAPE Inc.; Sparkle artists, gustong kunin ng TAPE bilang kapalit

Pahayag ni Atty. Annette, “It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it's an internal issue between TVJ and TAPE Inc.

"So, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalalaman lang namin ang issues kapag lumalabas sa social media, newspaper, o interviews, so it wasn't right for us na makialam."

Dagdag pa niya, “From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn't a corporate issue."

Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

Ipinaliwanag din ni Atty. Annette na sa TAPE Inc. sila may kontrata at wala sa mga hosts ng Eat Bulaga!.

Saad niya, "Para siguro mas maintindihan ng mga tao, ang contract kasi ng GMA is with TAPE.

"Wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE.

"Ang contract na ito ay isang blocktime agreement. Ang ibig sabihin nun ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Binabayaran nila tayo ng upa para sila yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday.

"Kung ano yung laman nun, wala tayong kinalaman dun."

Read: (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE

Sumusunod lamang daw ang GMA Network sa napagkasunduan nila ng TAPE Inc. at ng noo'y presidente ng TAPE na si Antonio Tuviera, na kilala rin bilang si Mr. T.

Ayon kay Atty. Annette, “In fact, nasa contract nila na they can change hosts, they can reformat, and this contract was negotiated by Mr. [Tony] Tuviera pa noong time na yun.

"We have to honor the contract as long as there is no breach of its provisions kasi iba ang contract, e. It has legal consequences."

Read: TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure

SPARKLE GMA ARTIST OPEN TO PROVIDING TALENTs FOR TAPE INC.

Siniguro rin ni Atty. Annette na sa kabila ng nangyayari ngayon sa longest-running noontime show sa bansa, walang magbabago sa relasyon ng GMA-7 sa pamunuan ng TAPE Inc., gayundin sa TVJ at sa iba pang dating hosts ng programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I fervently believe that it won't change because iba naman ang GMA, iba naman ang TAPE.

"Labas ang GMA sa issues nila with TAPE.

"Hindi naman sila umalis ng GMA. Sa totoo, umalis lang sila dun sa show na pino-produce ng TAPE," pahayag ni Atty. Annette.

Sa katunayan, kasisimula lamang umere ng bagong sitcom ni Vic sa GMA-7, ang Open 24/7, kasama si Maja Salvador. Produced ito ng M-Zet Productions ni Vic.

Wala raw ibang hangad ang Kapuso Network kundi ang bumalik ang saya sa noontime show.

Handa rin daw ang Sparkle GMA Artist, ang talent management arm ng Kapuso network, na mag-supply ng talents para sa show.

Ani Atty. Annette, "Kung wala namang conflict at pumapayag yung talents, why not, di ba?

"Kasi it's really a separate business, and kung mabibigyan naman ng trabaho yung talents namin, why not."

Read: TAPE, Inc. may binubuo nang lineup ng bagong hosts para sa pagbabalik-live ng 'Eat Bulaga!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes (left) on the TVJ (right) and other Dabarkads leaving TAPE Inc.: "It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin."
PHOTO/S: GMA Network YouTube, Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results