Nilinaw ni Paolo Contis na wala sa hinagap nila nina Betong Sumaya at Buboy Villar na palitan, o tapatan man lang, ang iconic triumvirate nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ ng Eat Bulaga!.
Sina Paolo, Betong, at Buboy, kasama si Alexa Miro at ang kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi, ang humalili sa original hosts ng Eat Bulaga! matapos kumalas ang TVJ at ang Dabarkads sa TAPE Inc.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
Ayon kay Paolo, trabaho lamang ang kanilang hangad at magpasaya ng tao.
Pahayag niya sa 24 Oras ng GMA kagabi, June 5, 2023, “We are very honored na kami yung napili to continue the show.
"Siyempre lilinawin lang naman natin, walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic, and Joey. Wala kaming chance dun.
"We were just called to work, to continue the show because ang gusto ng TAPE office na makapagbigay ng papremyo, saya, every day."
Dahil sila ang napiling maging hosts ng revamped Eat Bulaga!, kailangan daw nilang ibigay ang lahat ng makakaya nila.
Hindi din daw nila kayang tanggihan ang tawag ng tungkulin na makapagpasaya ng tao.
Ani Paolo, “Bilang kami yung kinuha ng TAPE, responsibilidad namin na gawin yung 100 percent namin.
"I hope you give us a chance kasi, at the end of the day, pinatawag kami para tumulong sa tao, makapagpasaya ng tao. How can you say no to that?"
Kahapon nagsimula sina Paolo sa Eat Bulaga! bilang bagong hosts matapos lisanin ng TVJ ang longest-running noontime show noong March 31, 2022.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Base sa komento ng netizens, hindi naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa bagong hosts ng 44-year-old noontime show.
Read: What did netizens say about revamped 'Eat Bulaga!' and its hosts?
Malalim ang naging sigalot ng pangkat ng TVJ sa pamunuan ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
- Joey de Leon posts original ‘Eat Bulaga!’ logo amid trademark war between TVJ and TAPE
