Iginiit ni Alden Richards na nananatili ang kanyang loyalty sa mga haligi ng Eat Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ.
Sa panayam ng News5 na lumabas kagabi, June 5, 2023, sinabi ni Alden na malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil isa ang Eat Bulaga! sa nagpasigla ng kanyang karera.
Mensahe ng Kapuso actor, “To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, yung sarili ko is for them... regardless.
“I’m always looking back dun sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.
“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.
“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga!.”
Wala si Alden nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey, sa pamamagitan ng Facebook Live at YouTube, sa loyal viewers ng Eat Bulaga! noong March 31, 2023.
Ito rin ang naging hudyat ng pagkalas nila sa TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show, pagkatapos ng 44 taon.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Pagkatapos magpaalam ng TVJ, sinundan ito ng resignation ng lahat na co-hosts na nandoon sa APT Studios noong araw na iyon.
Isinumite nila ang kanilang letter of resignation kay Mr. Romeo Jalosjos Jr., ang President at CEO ng Television and Production Exponents, Inc.
Pinirmahan ito nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.
Sina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar, kasama si Alexa Miro at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ang humalili sa mga original host ng Eat Bulaga!.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
Ayon kay Paolo, trabaho lamang ang kanilang ginawa at wala sa hinagap nilang palitan ang TVJ.
Read: New 'Eat Bulaga! host Paolo Contis appeals to the public: "I hope you give us a chance..."
