Binalikan ng netizens ang post ni Buboy Villar noong June 1, 2023, isang araw matapos kumalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa mahigit apat na dekada nilang ugnayan sa TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Nagpahayag ng kalungkutan si Buboy nang hindi napanood sa ere ang TVJ at ang “legit Dabarkads” noong araw na iyon.
Madalas maging panauhin si Buboy sa Eat Bulaga! ng GMA-7 noong sina Tito, Vic & Joey pa ang main hosts nito. Noong 2019, siya ang kinoronahang "Bebot 2019," isang special segment kung saan ang male celebs ay nagbibihis-babae at nagpapaligsahan sa beauty pageant.
Read: Buboy Villar wins Eat Bulaga's Bebot 2019
Mensahe ni Buboy sa kanyang verified Facebook account noong June 1: “Eat Bulaga [sad face emoji] Nakakalungkot man pero fighting! Sobrang salamat sa saya ninyo forever kayo sakin [heart emoji]”
Sa comments section ay maraming netizens ang nakiisa sa kanyang damdamin:



Makalipas ang apat na araw, noong June 5, kabilang si Buboy sa ipinakilalang bagong hosts ng Eat Bulaga! matapos itong iwanan ng TVJ at ng Dabarkads.
Dahil dito, bumuhos ang bashers sa kanyang post:







Bukod kay Buboy, ang bagong hosts ng Eat Bulaga! ay sina Paolo Contis, Betong Sumaya, ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi, at ang dating Tropang LOL host na si Alexa Miro.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
