Halos dalawang linggo na ang nakararaan mula nang magkapalitan ng mensahe sina Claudine Barretto at Dennis Padilla sa Instagram.
Kaugnay ito ng graduation ni Sabina Santiago at recognition ceremony para kay Santino Santiago noong May 28, 2023. Sina Sabina at Santino ay mga anak ni Claudine sa estranged husband niyang si Raymart Santiago.
Si Dennis ang dating asawa ng nakatatandang kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto.
Masayang-masaya si Dennis para sa achievements ng mga anak ni Claudine. Nagpaabot siya ng congratulatory message kina Sabina at Santino, na tinawag niyang "mga anak."
Nagpasalamat naman si Claudine dahil sa patuloy pa ring pagmamahal ni Dennis sa kanyang mga anak kahit hiwalay na sila ng kapatid na si Marjorie.
Ani Claudine, “@dennisastig Thank You so much kuya. may Scholar na ako. si Sab! Santino 9 awards. thank you so much for loving my kids hanggang ngayon. we love you kuya [heart emoji]”
Read: Claudine Barretto thanks Dennis Padilla for loving her children Sabina and Santino
Tumugon si Dennis sa mensahe ni Claudine sa kanya. Alam na alam daw niya ang dedikasyon ni Claudine pagdating sa mga anak dahil nakita niya ito noong mga bata pa ang mga anak nila ni Marjorie na sina Julia Barretto at Claudia Barretto.
Ang isa pang anak nina Dennis at Marjorie ay si Leon Barretto.
Saad ni Dennis, “@claubarretto proud ako dahil sa dedication mo sa mga anak mo... Alam kong ganun ka talaga... Nung maliit pa sina julia at claui grabe kang magmahal sa kanila... Pag may kulang ikaw nagpupuno [crying, heart emoji]”

Tila nangungulila talaga si Dennis sa kanyang mga anak dahil humiling ito kay Claudine na mayakap niya sina Sabina at Santino.
Aniya, “Sana mayakap ko si Sab at Santino soon... God bless you all clau [heart emoji]”

Nitong nakaraang Lunes, June 12, tumugon si Claudine sa mensahe ni Dennis.
Anytime raw ay maaaring makasama ni Dennis sina Sabina at Santino. Maganda ang naging alok ni Claudine kay Dennis dahil nagkataong sa Linggo, June 18, ay Father’s Day.
Sabi ni Claudine, “@dennisastig kuya pwede mo makasama mga anak ko anytime. lunch o dinner treat ko [heart emoji]”

Malaking kontrobersiya ang kinakaharap ni Dennis noong June 2022 dahil sa kanyang post na tila nagtatampo sa tatlong anak na hindi man lang siya binati sa Araw ng mga Ama.
Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon
Hanggang ngayon, hindi pa ayos ang sigalot niya sa kanyang tatlong anak.
