Natuwa ang ilang celebrities at netizens sa bagong post ni Joey de Leon sa Instagram ngayong Huwebes, June 15, 2023.
Ibinahagi ng TV host-comedian ang isang lumang video clip ng music video ng Eat Bulaga! theme song.
Pero binitin ang bandang dulo ng intro ng kanta dahil hindi maririnig dito ang mga salitang "Eat Bulaga!"
Bahagi ng lyrics ng kantang ibinahagi ni Joey: “Mula Batanes hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isang libo’t isang tuwa, buong bansa… buong bansa...”
Sa original na kanta, ang kasunod ng “buong bansa” ay "Eat Bulaga!"
Caption ni Joey, “Whole country... all over the world... WAITING [heart emoji]”
Ilan sa mga nagkomento sa post ni Joey ay sina Miles Ocampo, Maja Salvador, at Jopay Paguia.

Kahapon, June 14, nagkaroon ng pictorial sa mismong TV5 studios sa Reliance St., Mandaluyong City, ang grupo nina Joey, Tito Sotto, at Vic Sotto, kasama na ang “legit Dabarkads.”
Bukod sa on-cam talents, kasama rin sa studio ang production staff na sumama sa kanila matapos ang pagkalas nila sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Nasa studio rin ang ilang executives ng TV5 na naipakita ni Ryan Agoncillo sa Facebook live nito sa TVJ page.
Noong June 12, naglabas ng saloobin si Joey tungkol sa GMA-7 dahil sa hindi umano pagpaparamdam sa kanila ng mga ehekutibo nito noong kasagsagan ng isyu nila sa TAPE.
Read: Joey de Leon to GMA-7 after cutting ties with TAPE: "Kayo ba tumawag na, 'Okay ba kayo?'"
