Pinaghihinalaang ang ilang posts ni JK Labajo nitong mga nakaraang dalawang araw ay reaksiyon niya sa tila boyfriend reveal ng ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.
Nitong nakaraang June 21, 2023, ginulat ni Maureen ang kanyang Instagram followers nang mag-post siya ng cozy photo kasama ang isang lalaking hindi nakikita ang mukha.
Pero halatang may espesyal na namamagitan sa dalawa dahil nakahalik ang lalaki kay Maureen.
Very sweet din ang caption ni Maureen.
Feeling daw ng model-actress, siya ang “luckiest girl in the world” dahil sa pagiging mabaitat maunawain ng di niya tinukoy na lalaki.
Buong post ni Maureen, “happy birthday to the one that makes me feel like i’m the luckiest girl in the world.
“Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more everyday [heart emoji]”
Ilang oras matapos nito, nag-post si JK sa kanyang Facebook page. Halatang apektado siya dahil naka-all caps ang kanyang post.
Ayon sa singer-actor, “HAHAHAHAHAHA GANUN PALA PAKIRAMDAM”

Sabi naman niya sa comments section ng kanyang post, “sumakto pa sa song na ire release namin this Friday. Ang universe nga naman talaga.”

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang bagong kanta na may titulong “May Halaga Pa Ba Ako Sayo.”
Kahapon, June 22, 2023, may bagong post ulit si JK.
Sabi niya, “haha tara inom tayo mamayang hating gabi”

Kapansin-pansin sa larawan na may karga-kargang pusa si JK.
Ginawa na rin ni JK ang pag-post ng cryptic message noong November 2022 nang naging usap-usapan ang sweet photos ni Maureen kasama ang isang guwapong lalaki sa Siargao.
Read: Maureen Wroblewitz hints at new relationship: “I already have someone.”
Nag-post noon si JK ng larawan niya kung saan may yakap-yakap siyang pusa.
Sabi niya sa caption: “yung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal”
Read: JK Labajo posts cryptic message after ex-girlfriend Maureen Wroblewitz flexes new boyfriend
June 2022, tinuldukan nina JK at Maureen ang kanilang relasyon.
Base sa kani-kanilang mensahe sa Instagram noon, mukhang maayos ang kanilang naging hiwalayan ngunit hindi nila idinetalye kung ano ang dahilan.
Ayon sa dalawa, para ito sa kanilang "personal growth" dahil mga bata pa sila. Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 23 noong panahong iyon.
