Abalang-abala ngayong July 1, 2023, ang Pinoy viewers dahil sa simultaneous showing ng tatlong major noontime shows na naging sentro ng mga usapin sa showbiz these past few weeks.
Nag-launch ng bagong noontime show ang TVJ sa TV5, ang bago nitong tahanan.
Napanood sa unang pagkakataon sa noontime slot ng Gtv ang ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Nagselebra naman ng first monthsary ang mga hosts ng revamped Eat Bulaga!.
Kaya nagningning talaga ang noontime viewing ngayong Sabado, at sa mga hindi nakapanood, narito ang listahan ng mga artistang naging bahagi ng tatlong shows.
Eat Bulaga!
Sa panayam ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) with Paolo Contis, tinanong siya kung magkakaroon ng crossover ang hosts ng Eat Bulaga! at It’s Showtime, diretso ang sagot niyang “oo.”
Pero baka sa hinaharap ang tinutukoy ni Paolo.
The guests spotted on the show's July 1 episode included Kim Atienza, Andrew E., Faith Da Silva, Tuesday Vargas, Klea Pineda, Katrice Keirulf, at Aegis.
Sabi naman ni Paolo after the opening number, "Alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. gaya ninyo, excited din po kami. Para sa karamihan, isa itong malaking kompetisyon. Pero sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kompetisyon. Pero ito po ay aming inspirasyon."
Dagdag ni Isko Moreno, "Tutal nabanggit na ni Paolo kanina ang pagbibigay-pugay, lalabis-labisin na namin. To Tito Sen, Vic, and Joey and their dabarkads, congratulations sa inyo."
Read: Paolo Contis: "Mga Jalosjos, super happy sa 1st monthsary ng Eat Bulaga!"
Mapapanood ang Eat Bulaga! sa GMA-7 from Mondays to Fridays, 12:00 p.m. to 2:30 p.m, at every Saturday, tuwing 11:30 a.m. to 2:30 p.m.
It’s Showtime
Kasunod ng pag-ere ng It’s Showtime sa Gtv, ay ang katanungang: Ano magiging timeslot nito?
The answeris 12 noon pa rin ito eere starting July 1, 2023.
At gaya ng pangako ni Vice Ganda sa video na in-upload niya sa YouTube noong June 27, "Grand opening kami. Kailangang ibigay mo sa madlang pipol ang gusto nila."
Read: Vice Ganda on 'It’s Showtime' airing on GTV: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”
Bukod sa dramatic and unkabogabogable ang arrive niya via helicopter sa GMA Network compound, nakisaya rin sa show ang maraming Kapuso stars, gaya nina Sanya Lopez at Barbie Forteza.
Nakasama rin ng Showtime hosts sina Pokwang, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Belle Mariano, Ana Ramsey, Wize Estabillo, at AC Soriano.
Before this, TV5 offered the 4:30 p.m. slot, to which Vice Ganda mentioned na hindi siya agree sa arrangement na ito.
“Personally, ayoko ng 4:30 p.m. timeslot because Showtime is a noontime brand. Kung 4:30 p.m., hindi na siya noontime. I think it's not right. Pero kung saan ang Showtime, go ako,” ang kanyang comment in the same video.
Mapapanood pa rin ang It’s Showtime!sa ibang channels, tulad ng A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, iWantTFC livestream, at Kapamilya Online Live.
Umeere rin ito sa channel 2 on GMA Affordabox, channel 6 on GSat, channel 11 on Cignal, channel 15 on TVplus, channel 24 on Destiny Cable, channel 24 on SKYcable, at channel 27 on free TV.
E.A.T.
Ayon kay Vic Sotto, hindi pa official ang E.A.T. bilang title ng kanilang bagong noontime show sa TV5.
Aniya, “Dabarkads, hinihintay pa rin namin ang pag-uwi ng pangalang itinawag sa amin for almost 44 years.”
Kasama niya sa premiere telecast sina Joey De Leon at Tito Sotto, maging ang mga tinatawag na “legit dabarkads” na sina Jose Manalo, Maine Mendoza, Allan K, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup.
The show's main guest was none other than Sharon Cuneta.
Also present: Vic Sotto's wife Pauleen Luna, and kids Danica Sotto-Pingris, Vico, and Oyo, who came with wife Kristine Hermosa.
Bahagi rin ng studio audience ang isa sa Sotto brothers na si Maru, pati mga anak ni Tito na sina Ciara, Romina, Lala, at Gian, na kasama ang asawang si Joy.
Naroon din ang wife ni Joey na si Eileen Macapagal de Leon kasama ang mga anak nila na sina Jocas at Jako.
Mapapanood ulit ang TVJ with the “legit dabarkads” sa TV5 on Free TV and Sulit TV. Bukod dito, mapapanood din sila sa TV5HD on Cignal channel 15, simulcast on One PH na channel 1 on Cignal, Satlite, and all Digital TV Boxes.
For viewers who will miss the live telecast, they can watch the next-day catch up at 4 p.m. sa Buko (channel 2 on Cignal & Satlite and the Cignal Play App). They can also watch the stream sa TV5 HD, One PH, and Buko.
May live streaming din ang show sa TVJ Official and TV5 Facebook pages.
Para sa mga kababayang nasa US, Canada, Guam, Middle East, at Papua New Guinea, mapapanood ang show na ito sa Kapatid Channel.