Pinasaringan ba ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang kapwa TV host-comedian na si Vice Ganda?
Sa kanyang Instagram kagabi, July 2, 2023, nag-post si Joey ng group photo nila nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey, at ang legit Dabarkads na siksikan sa elevator.
Kuha ang nasabing larawan sa unang araw ng kanilang bagong noontime show, ang E.A.T, sa TV5 noong Sabado, July 1.
Read: TVJ's new show on TV5 is called "E.A.T."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
Sa caption, sinabi ni Joey na hindi talaga ganun kalaki ang studio nila sa TV5 sa may Reliance St., Mandaluyong City, pero grabe naman daw ang pag-welcome sa kanila ng televiewers.
Umabot daw ito ng “1000 floors” at “lagpas helicopter.”
Buong post niya: “Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter! [winking face with tounge emoji]”
View this post on Instagram
Hindi naman nakalampas sa mapanuring mata ng netizens ang pagbanggit ni Joey sa "helicopter."
Sa unang sultada ng Kapamilya noontime show It’s Showtime sa bago nitong tahanan na GTV, nag-chopper ride si Vice mula sa rooftop ng ELJ Building sa Mother Ignacia St., patungong GMA-7 rooftop sa may EDSA corner Timog Avenue, Quezon City.

Makikita ring nag-elevator pababa si Vice mula sa tuktok ng building hanggang sa entrance ng GMA Network kung saan siya nag-perform kasama ang maraming dancers.

Nagsalpukan ang tatlong noontime shows noong Sabado, July 1, sa tatlong istasyon: ang E.A.T sa TV5, ang Eat Bulaga! sa GMA-7, at ang It’s Showtime sa GTV, ang free-to-air station din ng Kapuso network.
Read: Watch: 'EAT' goes head to head with 'Eat Bulaga!,' 'It's Showtime'; who delivered the best episode?
Bongga at engrande ang naging opening number ng It’s Showtime katulad na rin ng ipinangako ni Vice dahil sa paglipat nila ng bagong tahanan mula sa TV5.
Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Kalmado lang naman ang Eat Bulaga! sa kanilang show.
Read: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
Madamdamin naman ang opening production ng E.A.T. dahil sa kanilang muling pagsahimpapawid sa noontime block.
Read: TVJ's new show on TV5 is called "E.A.T."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
