Sa kauna-unahang pagkakaton, nagdetalye si Sunshine Cruz kung paano siya humantong sa desisyong patawarin ang ex-husband niyang si Cesar Montano.
Sa vlog ng TV Patrol anchor na si Karen Davila kagabi, July 13, 2023, isinalaysay ni Sunshine ang mga mahahalagang detalye kung paano sila nagkaayos ng dating asawa.
Saad niya, “Ang hirap that time. Pero sabi ko nga, lahat ng pain, lahat ng sugat, kahit nga ang sugat, e, naghi-heal yan, e.
“So, yun yung dumating sa akin na parang nakita ko, lalo na yung mga bata kapag kasama nila yung tatay nila, they’re very happy.”
May tatlong anak na babae si Sunshine kay Cesar—sina Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.
Hindi raw akalain ni Sunshine na magigising na lang siya isang araw na wala na siyang sama ng loob kay Cesar.
Sabi pa niya, “So, bakit ko ipagkakait yun sa mga bata? And eventually, you wake up one day that you’re healed.
“Pagdating sa pera, kasi nung nalaman that time ng ABS-CBN na maghihiwalay na ako, nagkaroon kaagad ng offer na teleserye, ang daming mga dumating na trabaho sa akin. So, hindi ako nag-struggle.
"Though I was renting a house that time, may pambayad ako.”
Read: Sunshine Cruz: road toward rosy life
Aminado si Sunshine na kuripot siya at matipid. Malaking tulong daw kasi ang pagiging matipid, alam ang priorities, at kailangang “unahin ang needs over wants.”
THE NEW YEAR’S DAY BONDING
Maraming netizens ang natuwa sa bonding nina Sunshine at Cesar at mga anak nila kasama ang kasalukuyang partner ng aktor na si Kath Angeles sa Bohol noong January 2023.
Read: Sunshine Cruz, Kath Angeles exchange pleasantries on Instagram anew
Paano ba nangyari ang pagkikita nilang iyon?
Kuwento ni Sunshine, “Nung na-COVID si Cesar, almost na-intubate yan, e. After that, I don’t know, siguro darating sa ganun, naging closer sila ng mga anak ko.
“And every time that they would go out, lalabas, magdi-dinner, nakikita ko kung gaano kasaya ang mga anak ko kasama ang tatay nila.
“Papasok kaagad sa kuwarto ko yang mga yan, ikukuwento nila kung ano yung mga activities nila with Cesar, with their little siblings, with Kath, yung partner ngayon ni Cesar, at nakikita ko kung gaano kagalak ang puso ng mga anak ko.
“So, ako naman, kahit naman before, willing naman ako, e, na, ‘Puwede naman kahit maging civil man lang tayo for the kids,’ kasi mahal naman ng mga anak ko si Cesar talaga.”
Read: Sunshine Cruz "so happy" to meet ex-husband Cesar Montano's kids with Kath Angeles
Giit pa ni Sunshine, hindi niya tinuruan o sinulsulan ang mga anak na magalit sa kanilang ama.
Aniya, “And never ko tinuruan yung mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair. Kung ano yung issue namin ni Cesar, tayo lang.
“Tapos biglang nalaman ni Cesar na sa Bohol kami magu-New Year, dyu-join daw sila.”
FIRST MEETING AFTER TEN YEARS
Sa 18th birthday ni Sam noong August 2022 unang nagkita sina Sunshine at Cesar matapos ang sampung taon mula nang sila ay maghiwalay.
Read: Cesar Montano attends daughter Sam Cruz's 18th birthday party
Sabi ni Sunshine, wala na siyang nararamdamang kirot noon kay Cesar.
Aniya, “A, wala nang pain, e. Nakakatuwa kasi ang dami nang magagandang kuwento ng mga bata pagdating sa partner niya, na napakabait daw ni Kath, napakaganda, napaka-sweet.
“So, more than anything, yung excitement na makikita ko sila, yun ang nararamdaman ko.”
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na naging traumatic para kay Sunshine ang naging hiwalayan nila ni Cesar.
Pero sa paglipas ng panahon, naghilom din ang sugat na idinulot nito.
Saad ni Sunshine, “Bigla na lang kasing nagising ako na parang tapos na, e. Tsaka bakit kailangang maging bitter, bakit kailangang magkaroon ng galit sa puso, e, eto yung buhay ko ngayon o, okay ako.
“Mga anak ko, puro honor students. Mga anak ko, ang babait. We are all healthy.
"That’s why I post photos of me and my family, Kath, Cesar, yung mga bago nilang anak para kahit papano maka-inspire, na maybe ma-realize nila na, one day, ang sarap din sa feeling na makapagpatawad.”
Read: Sunshine Cruz proud of daughters Sam Cruz, Chesca Montano for academic achievements
May iilan daw na nagsasabing parang plastikan lang ang dating ng pagkakaayos nila.
Pero diin ni Sunshine, “No, pamilya ko ito, e. Ang sarap matulog sa gabi na walang kagalit, na walang sama ng loob.
“Ang sarap gumising sa umaga na masaya ka lang and ang daming blessings.”
