PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo: John Lloyd Cruz's Wedding Guests

Bea: “Si John Lloyd, hindi naman mawawala yon sa guest list."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 2, 2023
Bea Alonzo says John Lloyd Cruz invited to her wedding
Two weeks since the announcement of her engagement, Kapuso actress Bea Alonzo (right) says she's in no hurry to make wedding plans but revealed that her long-time love team partner John Lloyd Cruz (right) will be invited to her wedding to Dominic Roque.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ John Lloyd Cruz Facebook

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na engaged na siya sa kanyang fiancé na si Dominic Roque.

July 18, 2023 nang mag-propose si Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Azucar, sa Quezon City, matapos ang halos dalawang taon nilang pagiging magkasintahan.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!

Sa ginanap na presscon nitong Martes, August 1, 2023, kung saan ipinakilala si Bea bilang celebrity endorser ng Philippine Statistic Authority para sa upcoming 2022 Census Agriculture and Fisheries (CAF), hindi siya nakatakas sa pag-uusisa ng mga entertainment reporter kung kailan ang kasal nila ni Dominic.

Ayon sa Kapuso actress, hindi na bago sa kanya ang tanong na ito dahil magmula noong ma-engage siya ay ito na ang kalimitang tinatanong sa kanya.

"Ang daming nagtatanong at nagti-text sa akin kung ano na ang plano sa wedding namin.

“Pero kasi nag-uusap kami ni Dom, pinoproseso pa namin ang pakiramdam ng bagong engaged. Parang wala pa kasing dalawang linggo rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam naming hindi namin mababalikan yung feeling na ganito kaya ayaw muna naming ma-stress sa wedding planning.

"In fact, wala pa kaming nakukuhang wedding planner din, as in wala pa talaga at all," saad ni Bea.

Read: Bea Alonzo on Dominic Roque's proposal: "It was so raw. It was so real."

Maging ang theme at lugar kung saan sila ikakasal ay wala pa raw napag-uusapan sa ngayon sina Bea at Dominic.

Ani Bea, “Ang ginagawa lang namin ngayon ay to watch mga wedding video.

"Manood ng mga recent wedding na sunud-sunod and get inspired at makakuha ng tips kung sakaling magpaplano na kami.

"Pero sa ngayon, wala pa, gusto muna naming i-enjoy yung pagiging engaged namin.

“Ang hilig lang namin magpadala ng Pinterest photos, minsan beach [wedding], minsan cliff, minsan kung saan-saan, sa farm.”

Read: Dominic Roque, ikinuwento kung paano pinlano ang proposal kay Bea Alonzo

Dagdag pa niya, “But definitely, intimate wedding. Kaming dalawa, ayun yung pangarap namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi alam niyo, kahit ano naman ang gusto namin, maraming consideration, like yung mga bisita, yung pamilya namin.

“Marami kaming ideas in mind, pero ang hirap kasing i-share kasi baka hindi yon yung matuloy.”

Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”

JOHN LLOYD AS ONE OF THE GUESTS

Wala pa mang konkretong plano ang newly engaged couple, isa raw ang sinisiguro ni Bea. Hindi puwedeng wala sa kanyang kasal ang perennial leading man niyang si John Lloyd Cruz.

Ani Bea, “Si John Lloyd, hindi naman mawawala yon sa guest list.

“Sa totoo lang, isa siya sa mga unang nag-congratulate sa akin.

“[Sabi niya] masaya siya para sa akin. Na-touch naman ako.

“Siyempre naman hindi mawawala yon, dyusko, lumaki kami na magkasama, paano naman siya mawawala?”

Read: Bea Alonzo asks John Lloyd Cruz after GMA transfer: "Makikita ba kita dito?"

Kilalang magka-love team sina John Lloyd at Bea noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula ito noong 2002 sa Kay Tagal Kang Hinintay at sinundan ng anim na teleserye at walong pelikula.

Read: John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love affair: from reel to real?

Kabilang na rito ang isa sa kanilang box-office hit movie na One More Chance (2007), kung saan ginanap nila ang iconic roles na sina Popoy (John Lloyd) at Basha (Bea).

Read: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's top 5 highest-grossing films

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two weeks since the announcement of her engagement, Kapuso actress Bea Alonzo (right) says she's in no hurry to make wedding plans but revealed that her long-time love team partner John Lloyd Cruz (right) will be invited to her wedding to Dominic Roque.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ John Lloyd Cruz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results