PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brothers Alfred, PM Vargas reminisce "sobrang wala" days

Alfred Vargas considers younger brother PM as his best friend
by Rose Garcia
Published Aug 12, 2023
Alfred Vargas, PM Vargas
Actor, producer and Quezon City councilor Alfred Vargas and younger brother, Congressman PM Vargas recall their lean years when they would have fishballs for dinner and sell spiders to their friends and classmates.
PHOTO/S: @pmvargasPH on Instagram

Hindi maikakaila ang magandang samahan at relasyon ng magkapatid na sina Quezon City Councilor Alfred Vargas at Congressman PM Vargas.

Sa ilang pagkakataon na humarap sila sa entertainment press, kapansin-pansin ang malaking paghanga ni Cong. PM sa kanyang kuya at ang buong suporta ni Alfred sa nakababatang kapatid.

“Kape” nga raw ang paboritong bonding nilang magkapatid at isa sa kanilang common interest ay ang hilig nila sa music.

Ayon kay Cong. PM, “Favorite namin actually, coffee. Puro kape kami.

"At katulad din ng mga anak niya, nagja-jamming din kami. Sila online, ako rin, I jammed with my family since ako yung gitarista.

"Siyempre, kapag vacation, dahil time consuming talaga ang pagiging public servant, talagang very special sa amin na kahit nga once a year lang, makapag-bakasyon kaming pamilya. Napakasaya na namin.”

Read:

Alfred Vargas, wife Yasmine are expecting fourth baby

Alfred Vargas, hands-on sa pagbabantay sa maselang pagbubuntis ng misis na si Yasmine Espiritu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Alfred, ang kapatid daw niya ang kanyang bestfriend.

Saad niya, “He’s my bestfriend. He’s the person na nakakakilala sa akin as a human being. Aside from my wife, of course, siya talaga ‘yon.”

HARD LIFE

Naikuwento rin ng magkapatid na hirap man sa buhay ang kanilang pamilya ay lumaki naman silang maayos.

Lahad ni Alfred, “Dinaanan namin lahat yan together, so meron kaming conscious effort na wag na sanang madaanan ng pamilya namin ngayon yung dinaanan ng pamilya namin dati.

“There was a time when we we’re kids, when we were studying, may nakahain na rice sa dinner table, pero hinihintay lang namin ang mommy namin na dumating.

“Kasi, hinihintay namin ang ulam. Pero yung pambili ng ulam, inutang lang din niya sa office niya.”

Dagdag na kuwento ni PM, “May time talaga, sobrang wala talaga. Namili kami ng school supplies, hindi mawala iyon, naka-imprenta sa utak ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung ulam namin, kanin saka fishball. Fishball talaga na galing sa U.P. at damihan mo lang ang sauce.

“Actually, masarap siya. Hanggang ngayon, kumakain pa rin ako. Pero may time na ganoon.”

Ang mommy nila ay isang government lawyer.

Kuwento pa ni Alfred, “There was a time, sa Sta. Maria, Bulacan, nagbebenta kami ng gagamba. Nanghuhuli kami. Panlaban.

"Kapag sa kaibigan namin, binebenta namin na piso isa. Pero kapag sa Ateneo na, PHP20 na.”

Dugtong ni PM, “Pambaon din namin yun.”

Read:

VIRAL: UP summa cum laude delivers reality check not inspiration in valedictory address

New TV host Joana Marie proud of humble beginnings; recounts, 'Kumain kami ng panis na kanin.'

Saan umaabot ang PHP20 nila noon?

Natawang sabi ni Alfred, “Hindi lang cornetto,” na ang tinutukoy ay isang ice-cream brand na ginamit ang bente pesos sa commercial tagline.

Sabi naman ni PM, “Marami, may packed lunch ka na noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung sa Ateneo na pag-aaral daw nila, yun daw talaga ang inilaban ng mga magulang nila para sa edukasyon nila.

“Yun ang talagang nilaban ng parents namin. Kahit na mahirapan, basta maganda ang maibigay na edukasyon sa amin.

"At yun din po siguro ang gusto namin ni kuya. Pero this time, ayaw na naming makakuha ng sulat na magbayad na kayo ng tuition dahil kung hindi, hindi na kayo makakapasok.”

Posibleng may ibang hindi maniwala agad na dumaan din sila sa hirap lalo na't kung isang government lawyer ang kanilang namayapang ina na si Susana Dumalo Vargas.

Alfred Vargas's mom Susana (middle) and siblings Vannesa, Veronica, and PM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatunay ni Alfred, “There was a time bumagsak lahat ng negosyo ng family. May ganung time.

"And at that time, nagka-carwash boy kami sa mga kapitbahay naming mga Koreans. Siguro sinubok din kami ng panahon.”

Pero sa kabila ng naranasan nilang hirap, ipinagpapasalamat nila ang kanilang pinagdaanan.

Saad ni Alfred, “We learned how to work hard and to reach for our dreams, for our goal.

“Akala namin nung matanda na kami, okay na. Pero, isa sa pinakamalaking dagok sa buhay namin noong mawala ang parents namin... 2011 and 2014.

"Kapag nawalan ka pala ng magulang, parang nawalan ka ng malaking parte ng buhay mo.”

Kung silang dalawang magkapatid ay may pinagdaanan na masasabing pinaghuhugutan nila para masiguradong maayos ang buhay nila ngayon, lalo na ng mga anak, paano naman ang mga anak nila, paano nila nasisigurado na hindi lang sila yung lumalaki na kumportable at nandiyan na ang lahat ng pangangailangan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Alfred, “Ako, I make sure na hindi ko sila ini-spoil. For example, ang reward nila, kapag ganito ang grades nila, meron. Pero kapag hindi nila na reach, we encourage them.

“And ako, number 2, talagang conscious ako, limit talaga ang screen time. Yung panganay ko, she’s the only one in her class na wala pang iPhone. Wala…wag muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kung may gusto silang bilhin, pag-ipunan nila. Meron silang alkansiya. Paano sila mag-iipon? Kailangang paghirapan niyo. I-massage niyo si Daddy niyo.”

Fifteen months pa lang daw ang anak ni Cong. PM. Pero kahit na mahigit isang taon pa lang ito, hindi pa raw ito nakakapanood ng TV o kahit na anong screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pulitiko, si Alfred ang may mahabang taon na sa larangang ito kumpara kay PM. Pero ayon kay Alfred, nahigitan pa raw ng nakababatang kapatid ang expectation niya.

“Sa pamamalakad, dapat may sarili rin siyang style, which is, yun naman ang style niya. Siya talaga, 100% hawak niya, hindi na ‘ko nakikialam. I just give advice.

“Pero siya na ang Congressman, in a way, siya na rin ang boss ko.”

Ano ang grade niya sa kapatid bilang bagong public servant?

“100,” mabilis na sagot ni Alfred.

“Kasi, even my own expectation, nalagpasan niya. E, mataas na ang expectation ko.”

Sa isang banda, hindi lamang si Alfred ang producer ng ginagawang pelikula na Pieta, ang kapatid din daw.

Read:

Pieta, starring Alfred Vargas, Nora Aunor, and Jaclyn Jose, posibleng makapasok sa MMFF 2023

Alfred Vargas, feeling nasa Marvel universe habang kaeksena sina Nora, Gina, at Jaclyn

Pagkumpirma nga niya, “Si Cong. PM is also the producer ng ginagawa naming Pieta. At sa lahat naman din ng prinodyus ko, nandoon din siya sa likod ko. Co-produced kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin sila kung saan din sila humuhugot ng drive na patuloy na mag-produce ng pelikula. Hindi biro ang pagpu-produce ngayon dahil mas marami pa rin ang hindi talaga tumatangkilik sa mga pelikula sa sinehan.

“To answer that specifically, sa Supremo movie, yun lang ang kumite talaga,” tahasang sagot ni Alfred.

“Hanggang ngayon kumikita pa rin through private screening.”

At sabi rin niya, “For the love of film. For the love of industry. At siguro masasabi ko, hindi ko rin naman masasabi na mararating namin kung nasaan kami ngayon kung hindi rin naman dahil sa industriya natin.”

Ang Pieta ay plano nilang ipasok bilang isa sa official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival kunsaan, isa sa mga bida rin dito ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor, producer and Quezon City councilor Alfred Vargas and younger brother, Congressman PM Vargas recall their lean years when they would have fishballs for dinner and sell spiders to their friends and classmates.
PHOTO/S: @pmvargasPH on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results