Naghain ng kontra-demanda si Awra Briguela laban kay Mark Christian Ravana sa Makati City Prosecutor's Office ngayong Miyerkules, August 30, 2023.
Ayon sa ulat ng DZBB, personal na nagtungo si Awra sa tanggapan ni Senior Assistant Prosecutor Arvin Amata para i-file ang kanyang reklamo laban kay Ravana.
Kasama ni Awra ang kanyang abogado na si Atty. Mikaelo Jaime Reyes nang maghain ng reklamo.
Nakaharap din nila mismo si Ravana para sana sa preliminary investigation.
Pero bukas na lamang daw itutuloy ang preliminary investigation ng reklamo ni Ravana dahil hindi nakarating ngayong araw ang testigo ng kampo ni Awra.
Nahaharap si Awra sa tatlong bagong karagdagang reklamo sa Makati City Prosecutor’s Office matapos siyang masangkot sa isang kaguluhan sa The Bolthole Bar, sa Poblacion, Makati City.
Si Ravana ang lalaking napagtripan umano ni Awra sa bar.
Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati
Ayon sa ulat ng GMA News Online noong August 16, 2023, mismong ang abogado ni Ravana na si Atty. Nick Nangit ang nagsampa ng reklamo.
Pahayag ni Atty. Nangit sa panayam ng media, “We are filing, in fact we already filed, three additional cases against Awra Briguela.”
Kabilang sa tatlong reklamo ay violation of Article 283 (light threats o pambabanta) under the Revised Penal Code, violation of Article 286 (Grave Coercion o pamimilit) under the RPC, at Violation of Section 11(c) in relation to Section 11(a) of the Safe Space Act (o Bawal Bastos Law).
Read: Awra Briguela faces three more additional complaints filed by Mark Christian Ravana
Bukod pa sa tatlong bagong reklamo, nahaharap din si Awra sa slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.
Nakalaya si Awra noong July 1, 2023, mula sa piitan ng Makati Custodial Jail, matapos maglagak ng piyansa na anim na libong piso.
Read: Awra Briguela, nakalaya na matapos magpiyansa
Samantala, sinabi naman ng manager ni Awra na si Vice Ganda na hindi niya iiwanan ang alaga ngayong nahaharap ito sa patung-patong na reklamo.
Read: Vice Ganda on Awra Briguela after Makati bar scuffle: "Hinding-hindi ko siya iiwanan..."
