Ilang taon na rin ang tinagal ng relasyon nina RK Bagatsing at Jane Oineza at bukas na bukas silang sabihin sa publiko kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa.
Kaya hindi rin maiwasang matanong ang dalawa kung may balak na sila na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
Read: How RK Bagatsing, Jane Oineza keep peace in their relationship
Ayon kay Jane at RK, may plano naman silang lumagay sa tahimik, ngunit sa ngayon ay mas priority nila ang kani-kanilang career.
Sabi Jane, "Right now kasi, we're maximizing the opportunities na dumarating.
"Ako super proud ako sa all the accomplishments and all the projects and opportunities that are coming."
Read: RK Bagatsing and Jane Oineza: There's no excuse for cheating
Sinang-ayunan ito ni RK.
Ayon sa aktor, masayang-masaya siya sa mga proyektong dumarating ngayon sa kanila ni Jane.
Proud si RK dahil nabigyan ang nobya ng kauna-unahan nitong lead role sa ABS-CBN makalipas ang halos 22 taon.
Kasalukuyang pinagbibidahan ni Jane ang Kapamilya afternoon drama series na Nag-Aapoy Na Damdamin. Kasama niya rito sina Tony Labrusca, Ria Atayde, at JC de Vera.
Read: Jane Oineza reveals getting offer from other network; decides to stay with ABS-CBN
Ani RK, ngayon pa lamang nangyayari at natutupad ang matagal na nilang inaasam na mga proyekto kaya't mas minabuti nilang mas pagtuunan ito ng pansin.
"Alam kasi namin yung journey ng isa't isa. In some point, why are we here, sobrang pinagdasal namin at pinagtrabahuhan namin," saad ni RK.
Paglilinaw pa niya, hindi ibig sabihin nito na wala na silang balak magpakasal at bumuo ng pamilya.
"Right now she [Jane] has so many shows. So, parang nasa backseat lang muna ang usapan na yun [kasal].
"Maybe someday siguro, we'll talk about it. But for now I'm so proud of her.
"Ang dami na niyang accomplishments."
Read: Is Jane Oineza open to live-in relationship with RK Bagatsing?
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RK at Jane noong August 29, 2023, sa premiere night ng bago nilang pelikula na Swing.
@pepalerts @Jane Oineza to @RK Bagatsing: “I love you. I’m proud of you.” #Swing #PEPNews #EntertainmentNewsPH #NewsPH ? original sound - PEP.ph
RK-JANE COMEBACK MOVIE
Dream come true para sa magkasintahang RK at Jane ang muling nilang pagsasama on screen para sa pelikulang Swing.
Itinuturing nila itong comeback matapos ang huli nilang pagkakapareha sa Regal Entertainment film na Us Again noong 2020.
Read: REVIEW: Simmering chemistry of RK Bagatsing and Jane Oineza saves Us Again
"It was fun, because I can work with my partner.
"Somebody I can trust, somebody I comfortable with...it was a fun experience," saad ni Jane.
Dugtong naman ni RK, "Looking back, the reason we said yes to this project is because excited kaming magtrabaho ulit.
"2020 pa yung last movie namin together. And it was something na nung nabasa namin yung script, tinanong namin ang isa't isa, 'Kaya ba natin gawin to together?'
"Parang we can't talk long hard kung ganong ka-committed kami sa material, and evetually we said yes."
Excited at masaya raw sina RK at Jane na ibahagi ito sa kanilang fans dahil tiyak na ikakabigla ng mga ito ang mga karakter na ginampanan nila.
Diin ni Jane,"This is all-out, all-in experience."
Dagdag pa ni RK, "What we did in this movie, is never pa namin nagawa sa previous projects namin. Never at this level."
Ang Swing, na iprinodyus ng Mavx Productions, ay idinirek ni RC delos Reyes.
Read: Jane Oineza at RK Bagatsing, hindi na nag-workshop para sa intimate scenes nila sa 'Swing'
