Nabawi na ba ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang pamamahala sa original YouTube account ng Eat Bulaga!?
Ang nasabing YouTube account ay gamit ng original hosts ng longest-running noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang legit Dabarkads, mula pa noong 2012.
Martes ng gabi, September 5, 2023, napansin ng mapanuring mata ng netizens na napalitan na ang cover picture ng Eat Bulaga! YouTube account kung saan nakalagay na rito ang bagong logo ng show na umeere sa GMA-7.
Mababasa rin dito ang tagline ng show ngayon na “TAHANANG PINAKAMASAYA.”
Mayroon itong 5.32 million subscribers.
Burado na ang main videos ng old Eat Bulaga! at ang tanging natira ay mga short at old clips ng show.

Sa descritption ay makikita ang connected social media accounts ng noontime show.
Mayroon na itong 1.5 billion views mula noong January 6, 2012.

Hindi malinaw kung hawak na rin ng TAPE ang iba pang social media accounts ng Eat Bulaga! gaya ng X (dating Twitter), TikTok, at Facebook dahil wala pang nagbago sa mga post dito.

DELETED ACCOUNTS
Noong June 19, 2023, nawala ang bagong gawang YouTube channel ng "Eat Bulaga Na."
Kinagabihan, ang Facebook page naman ng programa ang sumunod na naglaho.
Mula noon ay hindi na ito mahanap ng netizens. Suspetsa ng ilan, binura ito ng YouTube at Facebook dahil may nag-report.
Read: Facebook at YouTube accounts ng bagong 'Eat Bulaga!' na-takedown matapos i-report ng detractors
Noong June 20, pansamantalang napanood sa verified Facebook page ng mga host na sina Paolo Contis (may 1.8 million followers) at Isko Moreno (may 5.5 million followers) ang live streaming ng kanilang kontrobersiyal na programa.
Hindi pa verified ang Facebook page ng Eat Bulaga Na, na meron nang 14,000 followers noong June 13, kaya madali itong isinara ng Facebook administrator dahil sa report o reklamo ng netizens na nananatiling tapat sa mga original host ng Eat Bulaga! na sina Tito, Vic, Joey, at ang Dabarkads.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
May 20 million followers ang verified Facebook page at 5.29 million subscribers ang YouTube Channel ng pioneer hosts ng Eat Bulaga!.
Pero hindi na ito aktibo mula nang magdesisyon sina Tito, Vic, at Joey na iwanan ang TAPE Inc. noong May 31, 2023.
May bagong gawang Facebook account na rin ang TAPE Inc. at verified na ito kung saan dito na napapanood online ang Eat Bulaga!.
Wala pang pahayag ang TAPE tungkol sa isyung ito.
Samantala, sa live episode ng Eat Bulaga! ngayong Miyerkules, September 6, 2023, hindi pa rin sila nagbu-broadcast sa nasabing YouTube account.
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
