PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SexBomb Aira and Sugar weigh in

Aira: "When it comes to social media, 'Think hard before you click.’"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 20, 2023
SexBomb’s Aira, Sugar on Izzy not supporting drag artist son
SexBomb Girls members Aira Bermudez (leftmost) and Sugar Mercado (left photo, right) asked about Izzy Trazona (in stripes) standing firm on her decision not to support son Andrei's (rightmost) gender preference and being a drag performer.
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/Izzy Trazona-Aragon Facebook

Nagbigay ng saloobin ang SexBomb Girls members na sina Aira Bermudez at Sugar Mercado hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kaibigan at kagrupo nilang si Izzy Trazona.

Read: SexBomb Dancers: where are they now?

Ito ay hinggil sa pagsasapubliko ni Izzy na hindi niya lubusang tanggap ang sekswalidad ng kanyang binatang anak na si Andrei Trazona a.k.a Sofia, maging ang pagiging drag performer nito.

Read: SexBomb Izzy Trazona on son Andrei joining the drag world: "I love you so much to not support you on things that will harm you."

Sa interview nina Aira at Sugar sa Fast Talk With Boy Abunda noong Martes, September 19, 2023, hiningan sila ng reaksiyon ng host na si Boy Abunda tungkol sa paninindigan ni Izzy na huwag suportahan ang anak dahil taliwas ito sa kanyang paniniwala bilang Kristiyano.

Ayon kay Aira, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Izzy, na kilala raw niyang relihiyosa. Bilang ina, baka nais lamang ni Izzy na mapabuti ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit hindi rin daw ito sapat na batayan para hindi irespeto ang desisyon ni Andrei sa kanyang sekswalidad.

Saad ni Aira, "Kasi yang si Izzy, kumare ko yan, mahal ko yan.

"Meron siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan. Yung faith niya kay God, kailangan nating irespeto yun.

"At yung gustong mangyari ng anak niya, kailangan din nating irespeto.

"Kasi ayun naman yung laging itinuturo sa atin."

Read: Andrei Trazona gets overwhelming support from father Michael Navarro

Isang bagay lang daw ang nakikitang mali ni Aira sa bangayan ng mag-inang Izzy at Andrei. Ito ay ang pagsasapubliko nila sa problema ng kanilang pamilya sa social media, imbes na ayusin ito in private.

Pahayag ni Aira, “Pero sana yun lang, pagdating sa problema ng pamilya, yung sinasabi natin lagi, when it comes to social media, 'Think hard before you click.’

"Kasi yung personal na buhay natin, hindi naman nila gustong malaman yun.

"Sana na lang, nag-usap sila, hindi sa social media."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"NAIINTINDIHAN KO RIN PO SI ATE IZZY."

Katulad ng sentimyento ni Aira, naiintindihan din daw ni Sugar kung ano ang pinanggagalingan ni Izzy.

Aniya, bilang ina ay nakaka-relate siya kay Izzy dahil nakatitiyak siyang gusto lamang nitong mapabuti ang anak na si Andrei.

Naniniwala at agree rin si Sugar na kung pinag-usapan na lang sana nina Izzy at Andrei ang kanilang problema at hindi na ipinost pa sa social media, hindi na ito lalaki pa.

Sabi ni Sugar, “Ire-relate ko rin po sa pagiging nanay ko kasi kahit sino naman po sa atin, kahit sinong mahal natin sa buhay at lalo na’t anak mo, nandiyan po yung iingatan mo, gusto mong maging maganda yung buhay niya.

“Naiintindihan ko rin po si Ate Izzy.

"Ang pinaglalaban naman po niya dito yung Panginoon na, wala nang kahit na sino, kaya hindi ko rin po siya masisisi."

Dagdag pa niya, "Pero agree rin po ako kay Ate Aira na sana nag-usap na lang po sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SexBomb Izzy Trazona, "amazingly at peace" sa kabila ng mga batikos

Noong September 11, 2023, ini-upload ni Izzy sa Facebook ang kanyang open letter para kay Andrei.

Nakasaad sa kanyang liham na miss na niya ang anak at mahal na mahal niya ito, subalit hindi raw niya tanggap ang kasarian nito bilang miyembro ng LGBTQ+ community dahil labag ito sa kanyang paniniwala.

Ang nais lamang daw niya ay para sa kapakanan ng anak na naaayon sa nasusulat sa Bibliya.

Maraming netizens ang hindi sumang-ayon at bumatikos sa pahayag niyang ito.

Marami sa mga ito ang hindi makapaniwalang hindi tanggap ni Izzy ang gender preference ng sarili nitong anak.

Read: Ogie Diaz slams SexBomb Izzy Trazona for withdrawing support for drag artist son: "Mas kasalanan sa Diyos yang kaipokritahan mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Girls members Aira Bermudez (leftmost) and Sugar Mercado (left photo, right) asked about Izzy Trazona (in stripes) standing firm on her decision not to support son Andrei's (rightmost) gender preference and being a drag performer.
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/Izzy Trazona-Aragon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results