Ikinatuwa ng maraming netizens ang sorpresang reunion nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2015 1st runner-up Ariadna Gutierrez.
Read: Miss Colombia on Pia Wurtzbach: “She is Miss Universe.”
Sa Instagram ngayong Martes, September 26, 2023, ibinahagi ni Pia ang larawan nila ni Ariadna habang tila rumarampa sa kalye.
Parehong nagtungo sina Pia at Ariadna sa Italy para sa Milan Fashion Week, pero naka-geotag sila pareho sa Paris, France.
Caption ni Pia, “The reunion you’ve all been waiting for. [winking face emoji]”
View this post on Instagram
Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa comments section sina Miss Universe 2020 Andrea Meza, Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.


Sabi pa nga ni Demi, "This is powerful! Love this”

Kontrobersiyal ang Miss Universe 2015 dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-announce ng winner.
Maaalalang inanunsiyo ni Steve na si Ariadna ang nanalo, subalit makalipas ang ilang minuto, bumalik sa entablado ang American TV host at nilinaw na si Pia ang totoong nanalo at hindi si Ariadna.
Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner
Bunsod nito, nagkaroon ng hidwaan ang pageant fans and enthusiasts mula sa dalawang bansa.
Ginanap ang pageant na iyon sa Las Vegas, Nevada, noong December 20, 2015.
