Emosyunal si Marjorie Barretto tuwing nalalapit at sasapit mismo ang petsang September 29 dahil ito ang kaarawan ng namayapa niyang amang si Miguel Barretto.
Ngayong Biyernes sana ang ika-86 kaarawan ng Barretto patriarch ngunit pumanaw na ito noong October 15, 2019, sa edad na 82, dahil sa karamdaman.
Read: Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82
Sa Instagram, sinabi ni Marjorie na tuwing sasapit ang huling linggo ng Setyembre ay tila nahihirapan siya at tila “unstable.”
May lungkot daw kasi siyang nararamdaman na mahirap ipaliwanag.
Lahad ni Marjorie sa Instagram, “Days leading to September 29 for the past 4 years have always been the hardest for me.
“I feel unstable, and I have a certain sadness I still have not been able to analyze. It’s your birthday again Dad and today I miss you even more than the past years.”
Gayunpaman, nagpasalamat si Marjorie na si Miguel ang naging lolo ng kanyang mga anak na sina Dani, Julia, Claudia, Leon, at Erich.
Malaking kawalan daw talaga ang pagpanaw ng ama.
Saad ni Marjorie, “Grateful to God he made you my children’s grandfather. Oh how you made them all feel so loved and protected.
“You were there for all their milestones and their highest and lowest and ever so ready with your generous hugs and jokes. You are such a great loss to us, Dad.
“But how can we match your celebration in heaven today. You must be so peaceful. Continue to look after my children and I, Dad. We love! Happy Birthday! Have a blast in heaven [heart emoji]”
View this post on Instagram
Isinugod sa ospital si Miguel sa mismong 82nd birthday celebration nito noong September 29, 2019.
Binawian ito ng buhay matapos ang dalawang linggong pagkaratay sa ospital.
Lumikha naman ng isang malaking kontrobersiya sa mundo ng showbiz ang lamay ng padre de pamilya ng mga Barretto dahil nagkasakitan ang magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen, at Claudine Barretto.
- Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama
- Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?
Samantala, wala pang post sina Claudine at kuya nitong si Jay-Jay Barretto sa Instagram tungkol sa kaarawan ng kanilang yumaong ama.
Si Gretchen naman ay matagal nang hindi aktibo sa social media.
