Nagpaliwanag si Claudine Barretto kung nasaan siya noong birth anniversary ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto nung September 29, 2023.
Hindi kasi nakapag-post ng mensahe para sa ama ang aktres sa social media na taun-taon naman niyang ginagawa noon.
October 1, 2023 na nakabati si Claudine sa namayapang ama sa Instagram.
Nasa isang piyesta raw siya sa Zambales noong araw ng kapanganakan ng pumanaw na ama.
Sabi ni Claduine (published as is), “Belated happy happy birthday in Heaven Daddy. September 29 was you’re birthday. just to say i miss u terribly is an understatement.
“i spent you’re bday in Sta Cruz Zambales last night, it was a fiesta of San Miguel (st.Michael) you’re Patron Saint.”
Ayon pa sa aktres, humagulhol siya habang nag-aalay ng awitin sa mga tao sa Sta. Cruz, Zambales para sa kanilang kapistahan.
Mabuti na lamang daw at tinulungan siya ng mga taong ituloy ang kanta at tapusin.
Aniya, “as i was about to sing i broke down crying & the people of Sta Cruz helped me finish my songs.
“i apologized for crying when it was a fiesta so dapat happy lang. im so blessed they helped me & understood me.”
Nangako naman si Claudine sa ama na alagaan niya ang inang si Inday Barretto.
Aniya pa, “Dad i luv u with all of my soul & my being & i promise to take care of mommy.
“pls visit me in my dreams & hug me. Thank you for being an amazing Dad i would choose u over & over i wouldn’t have it anyway.
“luv you’re PRETYEST DAUGHTER. yan po ang spelling ko mula bata..Thank You to all of u for you’re Prayers & luv”
View this post on Instagram
Nauna nang nag-post ng kanyang pagbati sa kanilang yumaong ama ang ate ni Claudine na si Marjorie Barretto noon mismong September 29.
Read: Marjorie Barretto remembers birthday of late dad Miguel Barretto: “Today, I miss you even more.”
Isinugod sa ospital si Miguel sa mismong 82nd birthday celebration nito noong September 29, 2019.
Binawian ito ng buhay noong October 15, 2019 matapos ang dalawang linggong pagkaratay sa ospital.
Read: Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82
Lumikha naman ng isang malaking kontrobersiya sa mundo ng showbiz ang lamay ng padre de pamilya ng mga Barretto dahil nagkasakitan ang magkakapatid na sina Claudine, Marjorie, at Gretchen Barretto.
