Alam ni Janelle Jamer ang challenges ng pagiging host sa isang noontime show.
Panimula ni Janelle, “Ako, bilang naging host ako ng isang live show, actually mahirap talagang maging host ng isang live show.
"Because minsan, nadadala ka ng kasiyahan ng grupo or kung sino yung ka-eksena mo or co-host mo sa isang show.
“Kung ano yung ibato, siyempre, minsan nagre-reciprocate ka or bumabato ka rin. Minsan dahil nadadala ka ng sobrang kasiyahan, hindi mo na naiisip kung lumalampas ka ba dun sa boundaries mo.
"Kung sa tingin mo wala namang, hindi din siya ganun katindi or below-the-belt na joke parang ide-deliver mo siya."
Mula 2005 hanggang 2007, naging co-host siya ni Willie Revillame sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Wowowee kaya ito ang naging topic ng panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)
Kaugnay rin ito ng 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa present noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime dahil sa icing incident ng dalawang hosts ng show na sina Vice Ganda at Ion Perez.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
"Wala akong nakikitang masama," ang pahayag ni Janelle.
Dugtong niya, “But then, dahil nga nasuspinde sila based sa MTRCB, pagkain nila ng icing.
"Ako kasi, MTRCB iyon, e, pananaw ng MTRCB yun. Siguro bilang galing ako sa isang comedy bar at isang noontime show, for me, wala akong nakikitang masama.”
Read: A detailed look at ABS-CBN's stance on MTRCB's 12-day suspension of 'It's Showtime'
Naging regular performer si Janelle sa comedy bar na Punchline sa Quezon City noong 2004 hanggang 2008.
“Siguro nahaluan lang talaga ng intriga, lalo kasi may mga bata dun sa tabi nila.
“Pero kung hindi talaga siya masyadong, siguro puwede naman sana siyang, what do you call this, pinalusot, or isang eksenang puwedeng ihingi ng tawad, di ba?
“Kasi puwede namang magkamali kasi live show nga siya, e."
Read: 8 cake-related incidents that made news
HOSTING EXPERIENCE IN WOWOWEE
Nagbalik-tanaw din si Janelle sa panahong pinagsasabihan sila sa Wowowee tungkol sa mga salitang bawal sabihin on-air.
Aniya, “Like what happened before naman sa amin, kahit yung salitang ‘ihi’ yata...bawal naming sabihin, pinagbabawalan kami.
“Nung time namin, bawal iyon. Bago pa kami sumampa sa stage bawal iyon, pinagbabawalan kami.
“So parang dun pa lang sa ‘ihi’ bawal na, so alam na namin kung ano pang mas worse pa dun..."
Mas lalo siguro ang salitang "puwet," ang komento ng writer na ito.
Sumang-ayon agad si Janelle, “Hindi puwede.”
Ano pa ang ipinagbawal sa kanila bukod sa salitang "ihi?"
“Dati may binanggit akong ‘kesehoda.’ ‘Kesehoda,’ kasi ang pagkaintindi ko nun, ‘kahit na,’ di ba?
“E, parang sa Spanish yata may ibig sabihin iyon, na medyo malisyoso yung ibig sabihin, so medyo nasita."
Dahil sa naging karanasan niyang iyon, tingin ni Janelle ay puwede sanang ihingi na lang ng tawad ang nangyaring insidente sa It's Showtime.
“So iyon yung sinasabi ko, parang puwede kang magkamali at puwede mo namang ihingi ng tawad, sana ganun na lang yung nangyari.
“And kung hindi sila napalusot ng MTRCB, dahil siyempre nirerespeto din natin ang MTRCB sa pananaw nila, kasi nandiyan nga sila, di ba, para mabantayan yung bawat kilos ng mga nasa telebisyon ngayon lalo na andaming bata at nanonood."
Pero since in place na ang suspension na nagsimula noong October 14, wala na raw magagawa kundi sundin ang mandato.
"Desisyon nila yun, and iyon talaga yung kailangang sundin natin.
“But then ako, as a TV host, sana ganun na lang ang nangyari, na humingi na lang ng sorry, ‘Pasensiya na po,’ di ba?
“And sabihan sila ano ba talaga yung mga bawal bago sila humarap sa TV."
Aminado naman si Janelle na kahit napagsasabihan tungkol sa mga bawal sabihin on-air, di pa rin maiiwasang magkamali.
“But, then again, minsan kahit sabihan ka kasi ng bawal, like what I’ve said before, kung ano yung nararamdaman mo na ibato, or nadadala ka ng eksena kasi nagkakatuwaan kayo, minsan nakakalimot ka.
“Minsan nga, meron nga akong nabanggit dati sa Wowowee na parang sabi ko, ‘Wish ko lang
“E, sa kabilang channel, so ako parang napagalitan ako nun,” at tumawa si Janelle na ang tinutukoy ay ang programa ni Vicky Morales sa GMA-7 na Wish Ko Lang.
“So marami talaga, hindi mo iniisip na masama, pero hindi pala puwede.
“Yung pagsubo ng icing, siguro kasi malicious yung dating kasi mag-partner sila, pero kanya-kanyang daliri.
"Kaya lang siguro nila nabigyan ng malisya dahil nga mag-partner sila, kahit hindi sila yung nagsubuan.
“But then again, for me, sana iyon nga, napalampas na lang tapos hindi na lang ulitin...Iyon lang yung pananaw ko.”
Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph si Janelle sa 3rd SamLo Cup na inorganisa ng matalik na kaibigan ni Janelle na si Samantha Lopez nitong Martes, Oktubre 17, 2023, sa Wack Wack Golf and Country Club.
Read: Samantha Lopez hurdles challenges to successfully mount 3rd SamLo Cup
Ang taunang celebrity golf tournament, na nasa ikatlong taon na, ay isang fund-raising event bilang selebrasyon ni Samantha ng kanyang kaarawan noong Oktubre 18.
Ang beneficiary ng tournament ay ang mga kabataan ng Kids For Jesus Foundation, na pinamumunuan ng best friend ni Samantha na si Jessica Guevara Everingham.
