Unang beses ni Kimson Tan na gaganap sa isang project bilang lover ng isang bading sa Lovers/Liars, ang bagong drama series ng GMA Network at Regal Entertainment.
Paano ang ginawa niyang atake dito?
Kuwento ni Kimson, “Actually, nung binabasa ko yung script nung nalaman ko na I was… kasi nung nag-storycon po sila, wala po ako.
"Nasa Singapore pa po ako nun, I was shooting King of Hawkers.
Ka-chat daw niya si DJ Jhai Ho na nasa cast rin ng Lovers/Liars bilang gay lover niyang si Lucy.
"Kasi me and Mommy Jhai naman are so, so close, I mean sobrang close namin, sobrang tropa namin.
“Kaya nung chinat niya ako, sabi niya, ‘Nak,’ sabi ko, ‘Mommy bakit?’
"Sabi niya, ‘May eksena tayo.’
"Kasi two years ago… or a year ago, we were talking about it, na sana magka-work kami, pero hindi namin naisip dahil ABS siya and GMA ako.
“Kasi nung nag-start ako, I started with ABS, doing shows in ABS, tapos nandun si Mommy Jhai, nag-meet kami.
"Then, eventually nung pandemic naging close kami, kasi we play Mobile Legends with other artists also, so kumbaga nabuo yung bonding.”
So wala na silang ilangan habang magkaeksena sa Lovers/Liars?
Ani Kimson, “Nung ginagawa namin natatawa lang din kami ni Mommy Jhai.”
Sabi pa niya, may intimate scenes sila sa serye ni DJ Jhai Ho pero hindi raw ito kasing tindi ng mga eksena niya with Polo Ravales and Rob Gomez.
“Wala naman, hindi naman siya kasing intimate ng kay Kuya Polo at Kuya Rob, pero ano siya, it’s something that nagawa ko siya ngayon lang in my whole life.”
Ano ang tinutukoy ni Kimson?
“Iyon yung dapat niyong abangan.”
Gay lovers sa serye si Polo Ravales bilang cardiologist na si Ronnie San Diego at Rob Gomez bilang si Joseph Mentiroso na isang medical sales representative.
Si Kimson naman bilang si Kelvin Chong ay naging isang bayarang lalaki dahil sa sinapit ng pamilya.
Kuwento pa niya sa mediacon ng Lovers/Liars nitong Nobyembre 15 sa Luxent Hotel sa Quezon City, “Oo, kaya it was challenging.
"Kasi siyempre bawat customer mo iba yung atake mong kailangan e, kasi you need funds, you need money.”
RESPECT FOR LGBTQ COMMUNITY
Ngayong na-tackle ni Kimson ang ganitong klaseng papel, ano ang masasabi niya sa mga lalaking pinili ang pagko-callboy para mabuhay?
Tugon ng Sparkle male artist, “Honestly, pinag-uusapan namin ni Tito Joey [Abacan ng GMA] iyan minsan, sabi ko I don’t have anything against them.
"I respect their hustle, I respect their grind in life, and sabi ko nga lagi, no matter what path you’re going through in life, kung ano man yung ginagawa mo, as long as you’re not stepping on other people, I don’t see any wrong in what you do.
Lahad pa ni Kimson, “That’s why I respect the LGBTQ communities, nag-BL ako, kaya sabi ko, kumbaga, sa ganung bagay I don’t have anything…”
Naging artista na si Kimson sa isang Boys’ Love project, ang In Between.
DEALING WITH INDECENT PROPOSALS
At umamin si Kimson na maraming beses na siyang naligawan ng bading sa totoong buhay.
At sa tanong namin kay Kimson kung ano ang inialok sa kanya na medyo na-shock siya…
“One million for dinner,” bulalas ni Kimson.
Hindi raw niya kilala ang bading na nag-offer sa kanya sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram. Hindi raw sinagot ni Kimson ang naturang mensahe.
May nagbiro kay Kimson, baka siya ang gustong gawing “dinner” ng naturang bading?
“That I don’t know,” pakli ni Kimson.
“But the offer was dinner. Pero ako kasi personally, I don’t reply to messages na ganun, kasi siyempre mahirap na po, e.
“And ako naman personally, sabi ko nga, as long as hindi nako-cross yung respect, yung boundaries, kahit… you know, people commenting every time I post beach pictures, ganun, sabi ko, wala naman sa akin yun.”
May shirtless photos si Kimson sa kanyang IG account.
Sa mga ganoong sitwasyon na isang milyon ang alok sa kanya, offended ba siya o flattered?
“I don’t feel flattered but I don’t feel offended also.
“Kasi it’s their way, e, it’s their life, and I can’t… sa akin naman, wala akong… buhay kasi nila yun e, and I have to respect them.”
Pero hindi ba flattering yung one million para lang maka-dinner siya?
“Siguro happy kasi na-a-appreciate ako ng ibang tao, ganun po.”
Bida si Claudine Barretto bilang Via Laurente sa Lovers/Liars at nasa cast rin sina Shaira Diaz bilang Nika Aquino; Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto, at Yasser Marta bilang Caloy.
Read:
Claudine Barretto: "Hindi ako asawa na nagger. Mabuti akong asawa."
Claudine Barretto reacts to “naghihirap” comment after posting search for secretary
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.
