PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang reacts to Lee O'Brian: ""Design is very plastic...""

Pokwang fires back at netizens who expressed support for Lee O’Brian.
by Arniel C. Serato
Published May 12, 2023
Pokwang lambasts ex-partner Lee O'Brian supporters
Pokwang to ex-partner Lee O'Brian after breaking his silence about their breakup: "The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi nangiming buweltahan ni Pokwang ang netizens na nagpahayag ng suporta sa kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

Sa Instagram account ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), @pepalerts, ay ipinost ang balita tungkol sa pagsasalita ni Lee O'Brian, sa kauna-unahang pagkakataon, tungkol sa isyu nila ni Pokwang matapos nilang maghiwalay.

Nakalagay sa post: “For the very first time, the estranged partner of Pokwang, Lee O'Brian, breaks his silence.”

View this post on Instagram

A post shared by PEPalerts (@pepalerts)

Sa graphics ay mababasa rito ang sagot ni Lee tungkol sa hiwalayan nila ni Pokwang na lumabas sa PEP Troika.

Sabi ng American actor: “All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.

“And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world.

“And that’s my story. That’s all I can say.”

Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento rito si Pokwang mismo.

Muli niyang tinawag na “user” ang dating kinakasama at tila pinagmukha pa raw siyang masama nito.

Buong komento ni Pokwang: “The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

NETIZENS REACT

Marami ring netizens ang nagkomento sa post na ito, at ilan sa kanila ang sinagot ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isang netizen kay Pokwang, “walang manggagamit kng walang nagpapagamit.move on na.sa dami ng sinabi mo against him di PA ba sapat?”

Tugon ng Kapuso star, “wait theres more at abangan mo hahahahaa”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

Ayon naman sa isa, walang masamang sa sinabi si Lee tungkol kay Pokwang.

Sabi nito, “There is nothing wrong on his remarks despite of negative rants against him still he able to gave his side in positive and professional manners. No offense but how we speak and act shown our real personality.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Pokwang, “maganda ang Bio mo po pakisabi yan kay kano haahhaaha bagay na bagay sa kanya ang bio nyo po."

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

Komento ng isa pa, “Awww I really wish they set aside their differences for their child. Pokwang your ex might have hurt you but I’m sure his love for your child is there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng komedyana, “Hindi rin hahahahhaa wag na masaya kami ng wala yan susme!”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

“Gentleman” naman kung ilarawan ng isang netizen si Lee. Makikita raw kung sino ang may pinag-aralan sa wala.

Buong komento ng neizen, “He is such a gentleman. He thinks about her daughter as Malia may read these news someday. You dont say bad things about the father if your child in public. makikita mo ang may pinag aralan at sa wala. peace.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Pokwang, “so may problema ka sa mga walang pinag aralan dahil walang kakayahan? napaka taas mo inday! wag ganon kakahiya ka sipsip pwet sa banyaga!”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

Saad ng isa pa, “Nandun na tayo kung may mali sya, pero he is a gentleman”

“haaa????” sagot ni Pokwang.

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suhestiyon ng isa pa, ‘Bigyan mo pa ng chance miss p.... Love is lovelier the 2nd time around”

Pero para kay Pokwang, “nope! enough na pagpapakain hahaahaahaa sarili ko naman at mga anak ko this time”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

“Mother and son” naman kung ilarawan ng isa sina Pokwang at Lee.

Ayon dito, “Mukhang mother and son sila Pokwang. Lee deserved better than Pokwang. Just my two cents.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Pokwang, “wow coming grom you ha tuko!”

Pokwang engages Lee O'Brian supporters

POKWANG AND LEE BREAKUP

Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."

February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.

Ito'y matapos niyang i-post sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?

Noong April 29, may bago muling parunggit si Pokwang kay Lee.

Read: Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”

At noong nakaraang May 8 lamang, tinawag naman ni Pokwang na mga “animal” ang mga walang magawa sa buhay na nakabantay sa bawat post niya sa Instagram.

Read: Pokwang calls naysayers of her posts “mga animal nayan”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to ex-partner Lee O'Brian after breaking his silence about their breakup: "The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results