PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who does Xyriel Manabat allude to in rude "elderly people" post?

Xyriel Manabat: "Let us all establish respect."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 8, 2024
Who is Xyriel Manabat alluding to in rude "elderly people" post?
Xyriel Manabat on rude "elderly people" she met: "Let us all establish respect."
PHOTO/S: Xyriel Manabat Instagram

Palaisipan ngayon sa netizens kung sino ang pinapatamaan ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat sa post nitong "elderly people" na hindi umano marunong rumespeto at nambastos sa kanya.

Sa kanyang Instagram Stories nitong Linggo, January 7, 2024, naglabas ng saloobin si Xyriel tungkol sa masamang karanasan sa taong hindi niya pinangalanan.

Sabi ng aktres sa post, hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong may edad na at nahihirapang magbigay respeto sa kapwa nila tao, lalo na sa mga batang kagaya niya.

Read: Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos

Mahihihuha sa mensahe ng kanyang post na tila hindi napagbigyan ng aktres ang request o nais mangyari ng matandang tinutukoy niya kaya sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Mababasa sa IG Stories ni Xyriel (published as is), "Let us all establish respect.

"Disappointing how elderly people, who we respect is very entitled.

"How they can put words into our mouth just because they didn’t get it their way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Who is Xyriel Manabat alluding to in rude

Read: Xyriel Manabat on having big breasts: "Sa totoong buhay po, masakit sa likod."

Paliwanag pa ni Xyriel, hindi siya mahirap lapitan lalo na kung hihingi sa kanya ng pabor.

Ang hiling lang daw niya, sana ay i-approach siya nang maayos at galangin kung ano man ang kanyang magiging desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok ng Senior High actress, "Hinding hindi po ako hihindi pag nag ask po kayo ng favor AS LONG AS maayos po yung approach ninyo at hindi po nakakabastos po.

“Hindi po ako maramot o umaayaw o humihindi nang walang rason.

"Marahil nabastos po ako o walang galang ho ang pag approach ninyo.”

Who is Xyriel Manabat alluding to in rude

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher

Marami namang netizens ang nagpahayag ng pakikisimpatiya kay Xyriel at nagsabing huwag na lamang pansinin at pagtuunan ng pansin ang mga ganitong klase ng tao kung mantrato.

Read: Elijah Canlas and Xyriel Manabat love scene in Senior High trends online

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang malinaw na detalye kung sino ang personalidad na tinutukoy ni Xyriel sa kanyang Instagram Stories.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat on rude "elderly people" she met: "Let us all establish respect."
PHOTO/S: Xyriel Manabat Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results