In-unfollow na rin ba ni Kathryn Bernardo sa Instagram ang mga kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio?
Ito ang tanong ng maraming netizens matapos nilang mapansing wala ang mga pangalan nito sa following list ni Kathryn sa Instagram, kasabay ng pag-unfollow ng aktres sa dati niyang nobyo na si Daniel Padilla nitong Miyerkules, January 10, 2024.
Read: Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram
Nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga Instagram account nila, makikitang wala nga sa following list ni Kathryn sina Liza, Julia, at Gillian.



Pero sina Liza, Julia, at Gillian ay nananatili pa ring pina-follow si Kathryn.



Palaisipan tuloy ngayon kung bakit in-unfollow ni Kathryn sina Liza at Julia.
Read: Remember when Liza Soberano played third wheel in KathNiel love team?
Maiintindihan pa raw ng netizens kung totoo mang i-unfollow ni Kathryn si Gillian dahil sa pagkakadawit ng pangalan nito noon sa breakup nila ni Daniel.
Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
Itinuro kasi ng ilang netizens si Gillian na isa sa naugnay umano kay Daniel, matapos nilang magsama sa defunct Kapamilya series na 2 Good 2 Be True.
Read: Gillian Vicencio denies involvement in Kathryn Bernardo-Daniel Padilla split
Bagamat mariin nang itinanggi noon ni Gillian ang anumang kaugnayan niya sa paghihiwalay ng KathNiel.
Read: Gillian Vicencio on KathNiel breakup: “Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo.”
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag si Kathryn kung bakit in-unfollow niya sina Liza, Julia, at Gillian, o kung pina-follow ba niya ang mga ito noon pa man.
Hindi rin malinaw kung may kaugnayan ba ang pag-unfollow niya sa tatlo sa hiwalayan nila ni Daniel.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
RELATED STORIES:
- WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources
- PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
- KATHNIEL COMEBACK? Daniel Padilla deletes his breakup message to Kathryn Bernardo
- Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinatunayang kaya nila magsama on stage sa kabila ng breakup
- Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms as they accept awards at AAA 2023
