PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla remains a Kapamilya; set to renew contract in February

Daniel Padilla to stay in ABS-CBN.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 24, 2024
Daniel Padilla remains a Kapamilya
Star Magic, the talent management arm of ABS-CBN, denies Daniel Padilla's rumored network transfer.
PHOTO/S: Karla Estrada Facebook

Mariing pinabulaanan ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang haka-hakang aalis na sa poder nila ang A-lister talent nilang si Daniel Padilla.

Ilang linggo nang kumakalat sa social media ang espekulasyong hindi na pipirma si Daniel ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic. Naghahanap na rin daw ito ng ibang talent management na hahawak sa kanyang showbiz career, matapos niyang mahiwalay sa long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Sinabi ng Star Magic nitong Miyerkules, January 24, 2024, na wala itong katotohanan.

Sa katunayan, nakatakda raw mag-renew ng kontrata si Daniel sa susunod na buwan sa ABS-CBN at Star Magic.

Tuloy na tuloy rin daw ang mga upcoming project ni Daniel ngayong taon sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Noong April 27, 2023, inanunsiyo ni Daniel sa isinagawa niyang “New Movie Alert” ang pagbabalik nito sa big screen para sa mga pelikulang gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una sa listahan ng mga gagawin niyang proyekto ay ang psychological suspense-thriller na The Guest. Makakasama niya rito ang award-winning actor na si John Arcilla.

Maliban sa The Guest, may dalawa pang proyektong inanunsiyo si Daniel. Isa na rito ang "buddy comedy" na Nang Mapagod Si Kamatayan.

Hango ang pelikula sa isa sa mga short story ng libro ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee na "Kung Alam Niyo Lang Ang Gagamitin sa Pelikula."

Ang proyekto ring ito ang katuparan sa matagal nang inaasam ni Daniel na makatrabaho ang kaibigang aktor na si Zanjoe Marudo.

Ang pangatlong pelikula na nakalinya para kay Daniel ay pagtatambalan nila ng ex-girlfriend niyang si Kathryn.

Wala pang update kung tuloy ba nila itong gagawin matapos ang kontrobersiyal nilang breakup.

Read: Daniel Padilla co-stars with John Arcilla, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo in upcoming films

Samantala, hanggang ngayon ay bulung-bulungan pa rin ang paglipat ni Kathryn diumano sa Crown Artist Management, ang talent management na pinamamahalaan ng dating Kapamilya actress na si Maja Salvador at ng mister nitong si Rambo Nuñez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kathryn Bernardo lilipat na sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez?

Kahit itinanggi na ito ng mismo ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo noong December 12.

Read: Min Bernardo denies daughter Kathryn Bernardo's rumored network transfer amid KathNiel breakup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic, the talent management arm of ABS-CBN, denies Daniel Padilla's rumored network transfer.
PHOTO/S: Karla Estrada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results