PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat prefers non-showbiz BF: 'Gusto ko ng peace.'

"Totoo po siguro yung sinasabi nila na when you're treated right, you glow."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 19, 2024
Xyriel Manabat on why she prefers a non-showbiz boyfriend
Xyriel Manabat on having a non-showbiz boyfriend: "Totoo po siguro yung sinasabi nila na when you're treated right, you glow. And kapag nasa tamang tao ka po, hindi mo makakalimutang alagaan yung sarili mo. Hindi mo makakalimutang i-improve yung sarili mo. Nakakadagdag siya ng confidence kapag may araw-araw na taong pumupuri sa beauty mo."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Masaya at kuntento ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat sa kasalukuyang estado ng kanyang love life.

Ipinagpapasalamat daw niya sa Diyos ang pagdating ng non-showbiz boyfriend na si Nathaniel Toledo dahil dumagdag ito sa kanyang inspirasyon.

Sa panayam ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 7, 2024, nausisa siya ukol sa magandang epektong naidudulot ng relasyon nila ni Nathaniel.

Saad ni Xyriel, "Totoo po siguro yung sinasabi nila na when you're treated right, you glow.

"And kapag nasa tamang tao ka po, hindi mo makakalimutang alagaan yung sarili mo. Hindi mo makakalimutang i-improve yung sarili mo.

"Nakakadagdag siya ng confidence kapag may araw-araw na taong pumupuri sa beauty mo. Yung tipong kahit kagigising mo lang, gusto ka niyang piktyuran.

"Nakaka-boost ng confidence.

"And once kasi na confident ka, parang lahat ng beauty standards hindi na lalagpas sa yo, hindi na papasok sa tenga mo."

Read: Xyriel Manabat finally introduces non-showbiz boyfriend on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON WHY XYRIEL DOESN'T WANT A BOYFRIEND FROM SHOWBIZ

Bukas si Xyriel sa pagsasabing hindi celebrity ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso.

Pag-amin ng dating child star, noon pa man ay wala talaga siyang balak makiparelasyon sa kagaya niyang artista.

Saad niya, "Ako po kasi, bata pa lang po ako, parang sinumpa ko na sa sarili ko na hinding-hindi ako magdyo-jowa ng taga-showbiz.

"As in, bata, bungi pa lang po ako.

"Marami akong crush, halos lahat ng nakatrabaho kong artista crush ko noong bata ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako magdyo-jowa ng isang artista."

Paliwanag ni Xyriel, malaking factor sa kanyang desisyong hindi makipagrelasyon sa kapwa celebrity ang mga naoobserbahan niya sa mga nakakatrabahong artistang may karelasyong taga-showbiz.

Payapang relasyon ang tanging hangad ng aktres at naniniwala siyang hindi niya ito makakamit kung nag-boyfriend siya ng kagaya niyang celebrity.

Sabi niya, "Gusto ko kasi ng peace. Ayoko kasi na may nakikisawsaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung family ko nga ayoko na nakikisawsaw sa kahit crush-crush o MU-MU [mutual understanding], paano pa kaya yung mga hindi ko kakilala?

"Paano ko ipapaliwanag sa outside ng relationship na outside forces na in the first place hindi ko naman dapat paliwanagan?

"Hindi po kasi ako yung taong explain nang explain nang explain.

"Mag-e-explain ako once or twice o kung kailan ko feel na need ko mag-explain.

"Pero hindi para sa satisfactory na kung kailangan akong pag-explain-in, pero para mailabas ko yung totoo kong napi-feel.

"Kaya feeling ko, if sa showbiz ako nagkaroon ng love life, hindi ako matatahimik.

"Kahit simpleng asaran lang namin o inside joke na irapan, baka maging issue. Baka ma-misinterpret.

"And siguro isa rin sa factor, e, bata pa lang ako, napakarami ko naka-work, nakikita ko kung paano sila. Kung ano yung difference ng may asawa o karelasyon na hindi showbiz sa may asawa na ka-work nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Observant po kasi ako. Nao-observe ko na mahirap pala kapag pareho kayong may spotlight.

"Para sa akin, okay na yung isa ta's private na."

Read: Xyriel Manabat gives basher dose of own medicine: "Deal with the publicity you're asking for."

XYRIEL ASSURES BOYFRIEND THAT SHE WILL NEVER CHEAT ON HIM

Malaki raw ang pasasalamat ni Xyriel sa kanyang nobyo dahil sa pagiging supportive at maintindihin nito sa trabaho niya.

Kailanman ay hindi rin daw naging isyu sa kanila ang pagkakaroon ng ka-love team ni Xyriel sa mga proyektong kanyang ginagawa.

Maging ang mga pagkakataong nali-link ang akres sa ilang kasamahan niya sa trabaho.

Pagmamalaki ni Xyriel, lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanilang relasyon ay pinag-uusapan nila nang maayos ni Nathaniel.

Pagbabahagi ng Senior High star, "Bago ko pa po ma-feel na may nali-link sa akin o ma-feel na may darating na ganitong scene, bago ko tanggapin, lalatag ko muna yon sa boyfriend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kailangan niyang maintindihan, hindi dahil required, pero kasi hindi niya alam yung industriya natin. Kaya ko pinapaintindi sa kanya kasi wala naman siyang alam kung anong nangyayari.

"Bago naman niya ako naging dyowa, e, wala siyang alam at pakialam sa showbiz. Wala naman siyang gustong halungkatin sa buhay ng mga artista.

"So, kailangan kong ipaintindi sa kanya not because I want to control or manipulate him na, 'Wala kang magagawa kasi artista yung dyinowa mo.'

"Hindi ganun, pero dahil magkaiba kasi yung ginagawa namin araw-araw.

"Para na rin sa peace of mind ko rin na wala akong sinasaktan na tao, kasi work is work."

Read: Elijah Canlas and Xyriel Manabat love scene in Senior High trends online

Tiwala raw silang kailanman ay hindi nila pagtataksilan ang isa't isa dahil lamang sa magkaiba nilang mundong ginagalawan.

Sabi ni Xyriel, "Assured na assured naman po siya.

"And ako po, at the same time na kung nagtatrabaho man ako, hindi ako nag-aalala kung nasaan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi assured din po ako kung ano yung ginagawa niya habang nagtatrabaho po ako.

"Assured din siya na ito lang yung ginagawa ko sa trabaho ko."

Read: Andrea Brillantes and Xyriel Manabat open to star in a Girls Love series

Sa ngayon ay magdadalawang taon nang magkarelasyon sina Xyriel at Nathaniel.

Marami na raw silang pinagdaanan, at pangako nila sa isa't isang mananatili silang matatag anuman ang pagsubok na kakaharapin pa nila.

Read: Xyriel Manabat on having big breasts: "Sa totoong buhay po, masakit sa likod."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat on having a non-showbiz boyfriend: "Totoo po siguro yung sinasabi nila na when you're treated right, you glow. And kapag nasa tamang tao ka po, hindi mo makakalimutang alagaan yung sarili mo. Hindi mo makakalimutang i-improve yung sarili mo. Nakakadagdag siya ng confidence kapag may araw-araw na taong pumupuri sa beauty mo."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results