Engaged na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo, 41, at Ria Atayde, 31.
Ito ang masayang inanunsiyo ni Ria sa Instagram ngayong Martes, February 20, 2024, nang mag-post siya ng litrato nila ni Zanjoe at ng kanyang kaliwang kamay na suot ang engagement ring niya.
Mababasa sa caption ni Ria, “Forever sounds good [white heart and ring emoji]”
Read: Ria Atayde sums up relationship with Zanjoe Marudo as "comfortable and easy"
Sa Instagram Stories naman ni Zanjoe, makikita ang litrato niyang nakahalik sa pisngi ni Ria, na nakangiting ipinapakita ang kanyang engagement ring.
“HI FIANCÉ [wave hand emoji],” saad ni Zanjoe.

Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
Samantala, sa comments section ng post ni Ria ay bumuhos ang good wishes mula sa pamilya, mga kaibigan, at co-celebrities nila ni Zanjoe.
Kabilang sa nagpaabot ng pagbati ay ang nakatatandang kapatid ni Ria na si Arjo Atayde at asawa nitong si Maine Mendoza.
Maging ang mga kaibigan nilang sina Joshua Garcia, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Janine Gutierrez, at Kaila Estrada.




Noong February 15, 2023, nang maging Instagram official sina Zanjoe at Ria.
Ito’y matapos i-post ni Zanjoe sa kanyang Instagram ang sweet photos nila ni Ria na kuha sa kanilang Valentine's Day celebration.
Read: Zanjoe Marudo finally posts photos with girlfriend Ria Atayde
Walang ibang caption si Zanjoe rito kundi simpleng heart emoji.
Nag-reply si Ria ng "Best first Vday ever" at ni-repost ang post ng nobyo.
Iyon ang unang pagkakataong naka-highlight sa feed ni Zanjoe ang couple photos nila ni Ria.
Read: Zanjoe Marudo finally admits relationship with Ria Atayde: “It’s out in the open naman.”
Kadalasan kasi noon ay nasa Instagram Stories lamang nila ang kanilang mga litrato, o di kaya naman ay isinasama ng dalawa ang picture nila sa album kasama ng pictures ng kanilang barkada.
Read: Joshua Garcia shows photo of Zanjoe Marudo, Ria Atayde in Japan
Bago ito, ang ina na mismo ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagsapubliko na "dating" ang relationship status nina Ria at Zanjoe noong October 2022.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals
