May eksena si Jasmine Curtis-Smith sa pelikula ng Viva Films na A Glimpse Of Forever kung saan napakalutong niyang nagmura.
Ito ay hindi niya nagagawa sa mga teleserye, tulad ng Asawa Ng Asawa Ko, na umeere ngayon sa GMA-7.
Lahad ni Jasmine. “Oo, e, bawal talaga sa teleserye. Masarap, masarap magmura pagka pelikula kasi mas free ang scope of language mo."
Read: Jasmine Curtis-Smith brings on coastal vibe in her city condo
Makakasama ni Jasmine sa A Glimpse Of Forever sina Jerome Ponce bilang si Dante, Diego Loyzaga bilang si Kokoy, at Jason Paul Laxamana bilang direktor.

Read: Diego Loyzaga opens up about struggles inside rehab center
Pagpapatuloy pa ni Jasmine tungkol sa papel niya bilang si Glenda sa pelikula, “Pero ito, it’s nice kasi gusto talaga ni direk JP dito, malutong, yung parang nawala yung form ng pagkababae niya.
“Pero may mas matindi pa akong ginawa in the past, sa General Admission, talagang PI, ganun.”
Ang General Admission ay 2021 film nina Jasmine at JC de Vera, sa direksiyon ni Jeffrey Hidalgo, na nag-stream sa KTX, iWant TFC, at iba pang online platforms.
Read: JC de Vera happy sa married life: "I have the best wife ever."
FEELING LUCKY TO WORK WITH LAURICE GUILLEN, GINA ALAJAR
Samantala, ikinalungkot ni Jasmine na hindi siya nakasama sa ate niyang si Anne Curtis sa panonood ng The Eras Tour concert ni Taylor Swift sa Australia noong February 17, na birthday mismo ni Anne.
Read: All the details of Anne Curtis's bejeweled OOTD at Taylor Swift's Eras Tour in Australia
May taping kasi si Jasmine para sa kanyang Kapuso serye.
“Okay lang yun kasi doing well naman ang Asawa Ng Asawa Ko.”
Nahingan si Jasmine ng birthday wish para sa kapatid.
“Of course for her family to always be happy and abundant in love and good health.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine at iba pang miyembro ng media sa presscon ng A Glimpse Of Forever noong Pebrero 15, 2024, sa Botejyu restaurant sa Estancia Mall, Pasig City.
Since binanggit ni Jasmine ang magandang ratings ng Asawa Ng Asawa Ko, kinumusta ang aktres tungkol sa pagiging anak nii Gina Alajar sa nabanggit na GMA-7 series.
“Ay naku, ang suwerte ko, ang suwerte ko,” bulalas ni Jasmine.
“Kasi bukod sa meron na akong direk Laurice Guillen, na aktor at direktor, meron pa akong Gina Alajar!
"So dalawa sila onset that are able to give me notes, give me assistance, give me direction and make me be better in each scene and each performance.”
Read: Gina Alajar on Laurice Guillen as director: "Takot na takot ako sa kanya."
JAsmine REACTS TO BREAKUPS IN SHOWBIZ
At dahil maayos ang eight-year relationship nila ng boyfriend na si Jeff Ortega, may masasabi ba siya tungkol sa kaliwa’t kanang breakups at hiwalayan sa showbiz?
“Naku hindi kami, huwag naman kami,” ang mabilis na reaksiyon ni Jasmine.
“Ang lungkot. Ang lungkot kasi siyempre napapa-reflect kami pareho ni Jeff pagka ganun na, ‘Sayang, no, hindi nag-work?’
“Parang, you always hope the best for couples and for people, but, you know, if it’s not meant, huwag pilitin para naman everyone can move on and find what’s best for them.”
Banggit namin kay Jasmine, mukhang sila ng ate niya ang sisira sa “sumpa” ng hiwalayan dahil tulad nina Jasmine at Jeff ay going strong rin ang pagsasama ng mag-asawang Anne at Erwann Heussaff.
“Yes, amen, stop the cycle,” ang tumatawang sinabi pa ni Jasmine.
Sa tanong naman namin kay Jasmine kung kanino siya mas nalungkot, sa breakup ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) o BeaDom (Bea Alonzo at Dominic Roque), aniya:
“Oh my God! Wala ako diyan! Pass,” at muling tumawa si Jasmine.
Sila ni Jeff, kapag may hindi pagkakaunawaan paano nila inaayos?
“Siyempre minsan diretso ng tanung-tanong, confront-confront. Pero may mga times that if that doesn’t work, so ako yung nagko-confront, siya yung tahimik, ‘Sige, sige.’
“Hahayaan niya akong maglabas, kumuda nang kumuda, then hanggang mag-chill na ako, chill na kami pareho, minsan pag-uusapan pa, minsan hindi na kailangan.
“Kasi parang pareho ng, ‘Gets mo na kung saan ka mali.’ ‘Gets mo na kung saan ka petty.’
“Mature enough na tayo to own up, di ba?”
Ipapalabas sa mga sinehan ang A Glimpse Of Forever sa March 6.
