Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng direktor na si Zig Dulay nang humakot ng parangal ang 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Firefly sa 2024 Manila International Film Festival (MIFF).
Ginanap ang kauna-unahang MIFF sa Los Angeles, California noong February 3, 2024 (Philippine time).
Nauwi ng Firefly ang apat na major awards: Best Picture, Best Director si Zig, Best Supporting Actress si Alessandra de Rossi, at Best Screenplay si Angeli Atienza.
Read: Direk Zig Dulay nanawagang unahing panoorin ang Firefly sa MMFF 2023
Pinarangalan din ang iba pang cast members: Best Supporting Actor si Epy Quizon, Best Supporting Actress si Cherry Pie Picache, at Best Cinematography si Neil Daza.
Sa ginanap na pocket interview para sa Firefly, inihayag ni Zig ang kanyang umaapaw na kaligayan sa naiuwing parangal ng aniya'y pinaghirapan nilang pelikula.

Ang tagumpay daw ng Firefly ay tagumpay ng lahat ng bumubuo sa pelikula.
Read: MIFF Awards Night: Dingdong Dantes, Piolo Pascual tie for Best Actor; Vilma Santos wins Best Actress
Mas naging espesyal pa, ayon kay Zig, dahil ang proyektong ito ay katuparan sa matagal nang ipinagdarasal niya na muling makatrabaho si Alessandra.
Saad ni Zig, "From time to time, lagi kaming may project ni Alex, tapos sobrang thankful ako na kasama ko siya ulit sa Firefly.
"Kasi ang tagal na ng Bambanti before. Kasi after ng Bambanti, siya pa rin lagi yung tinitignan ko, siya pa rin lagi yung mga kinukuwento ko sa mga kaibigan ko."
Ang tinutukoy na Bambanti ni Zig ay ang indie movie na una nilang pinagsamahan ni Alessandra noong 2015.
Read: Alessandra de Rossi hindi nagsisisi sa desisyon na huwag nang gawin ang role na ito
Pag-amin ni Zig, sa lahat ng nakatrabaho niyang artista, kaisa-isa si Alessandra na paborito niya.
Aniya, "Siya pa rin yung ginagawa kong standard kumbaga.
"Laging ano...laging kapag may kakaharapin kang ibang tao na artista, ang inaano [tinatanong] mo lagi e, 'Yung parang katulad ba siya nito, katulad ba siya o magkaiba ba sila?'"
Si Alessandra rin daw ang ilan sa artistang unang naniwala sa kakayahan niya bilang isang direktor noong siya ay nagsisimula pa lamang.
Pagbabalik-tanaw ni Zig, "Unang-una naman, yung mga growing years ko, yung parang binubuo ko pa lang yung sarili ko bilang filmmaker, si Alex kasi yung nandoon."
Read: Alessandra de Rossi, top choice ni Direk Zig Dulay sa kanyang mga pelikula
ALESSANDRA REACTS
Hindi naman na raw nagtaka si Alessandra sa narating ni Zig na tagumpay bilang filmmaker.
Saad nga aktres, "Alam niyo kahit sa abroad kapag napapakilala ako, [laging may nakakabit na], 'She has worked with Zig Dulay...
"Ganon na yung level na mapapa-'Oh my god!' na ako. 'My friend is so famous!'
"Kaya noong nagkakaroon na siya ng break after Bambanti, sabi ko, worth it naman lahat ng ginawa niya."
Bukod sa paggawa ng pelikula, kilala si Zig sa paggawa ng mga cultural-drama series sa GMA-7, kabilang ang Sahaya (2019), Legal Wives (2021), Maria Clara at Ibarra (2022-2023).
MORE THAN CO-WORKERS
Dahil sa ilang beses na nilang pagsasama sa pelikula, higit pa sa magkatrabaho, matalik na magkaibigan daw ang turingan nina Zig at Alessandra ngayon.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
Proud na pagbabahagi ni Zig, "Lagpas naman kasi sa pagpepelikula yung samahan namin ni Alex.
"Na kahit yung kuwento ng Tita niya, driver niya—yung parang ganong level yung closeness namin.
"Hindi kasi kami yung parang, 'Ah, magiging malaking tao ito.'
"Kasi sa start pa lang, alam na namin na anuman ang marating namin landas, e, susuportahan namin ang isa't isa."
Pagsang-ayon naman ni Alessandra, "Oo, ganon kami. Kahit siya, hindi siya nawawala sa radar ko."
Read: Review: What makes Firefly shine among MMFF 2023 entries?
