Ikinatuwa ng fans nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya actor Sam Milby na magkasama ang dalawa sa isang event.
Ito'y matapos muling kumalat ang balitang nagwakas na umano ang relasyon nina Catriona at Sam nang mapag-usapan ito sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong Febuary 24, 2024.
Ayon kay Ogie, may nakapagsabi sa kanyang source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.
Sa katunayan daw, noong nangdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6 ay wala na sila ni Sam.
Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos nitong mag-propose noong February 16, 2023.
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby are now engaged
Ilang oras lamang matapos ilabas ni Ogie sa kanyang vlog ang nakuha niyang impormasyon ay nag-post naman sa Instagram ang malapit na kaibigan nina Catriona at Sam na si Isabel Oli.
Sa IG post ni Isabel, makikita ang dalawa na magkasamang dumalo sa isang event kasama ang iba pa nilang co-artists sa Cornerstone Entertainment, ang talent management na kinabibilangan nina Catriona at Sam.
Magkatabi pa sa upuan at nakangiti sina Sam at Catriona nang makunan sila ng litrato.
Read: Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
NETIZENS REACT
Sa comments section ng post ni Isabel ay marami sa fans nina Catriona at Sam ang nagbunyi sa larawang magkasama ng dalawa.
Komento ng isang fan (published as is), "Mag hiwalay na lahat wag lang sina Sam At Cat. My God."
Sabi ng isa, "Obviously hindi hiwalay c Sam at Cat...ogie Diaz left the group mali ka ngaun [laughing in tears emoji]."
Saad pa ng isa, "ogie Diaz left the group...Sam and cat forever [red heart emojis]."
Read: Celebrity Weddings Set To Happen In 2024
CATRIONA NOT WEARING ENGAGEMENT RING
Hindi ito ang unang beses naintriga ang relasyon nina Catriona at Sam.
Noong February 4, 2024, umugong ang espekulasyong hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng mapanuring netizens na hindi na sinusuot ni Catriona ang kanyang engagement ring.
February 8, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.
Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel kina Catriona at Sam.
Read: John Prats uploads photo with engaged couple Sam Milby and Catriona Gray amid rumors
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Catriona at Sam tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Read: Sam Milby "enjoying" preparations for wedding with Catriona Gray though "it's stressful"
