Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Maine Mendoza nang biglang lumabas sa stage ng Eat Bulaga! ang kanyang asawa, ang aktor at Quezon City congressman na si Arjo Atayde, ngayong Sabado, March 2, 2024.

Si Arjo ang special guest para sa "Peraphy" segment ng nasabing noontime show ng TV5.
Bahagi ito sa sorpresa ng programa para sa birthday special ni Maine, na magse-celebrate ng kanyang 28th birthday bukas, March 3, 2024.
Ito rin ang kauna-unahang beses na magse-celebrate ng kaarawan si Maine bilang Mrs. Atayde.
Bago lumabas si Arjo sa stage, walang kamalay-malay si Maine sa magiging sorpresa habang ini-introduce ni Vic Sotto ang kanilang mystery guest para sa huling segment ng Eat Bulaga!.
Sabi ni Vic, "Ang maglalaro ngayon ay mula sa pelikulang may forever."
Kinilig ang mga nasa audience nang lumabas si Arjo, na kaagad niyakap ang kanyang maybahay.
Speechless si Maine sa pagdating ni Arjo at naghihimatay-himatayan pa ito dahil sa labis nitong pagkagulat.
Pabiro namang sabi ni Vic, "Sorry, sorry! Mali pala yung title. Dapat ang title 'Your Forever!'"

Nagpasalamat si Arjo sa buong cast at production ng Eat Bulaga! dahil naging bahagi siya ng birthday episode ng kanyang asawa.
Sabi ni Arjo, "Maraming salamat din po, of course, 'no... Bossing, the whole Eat Bulaga! fam, Tito Sen, Boss Joey, for allowing me to be with my wife today.
"Maraming salamat po!"
Pagbati naman ni Maine, "Welcome to Eat Bulaga!, Cong!'
Bago ito, nagbigay na si Arjo ng birthday message para sa asawa sa pamamagitan ng isang video greeting sa opening pa lang ng noontime show.
Sabi ni Arjo, "Hi, Baba. Happy, happy birthday. Surprise. I hope you're having a great time with the Dabarkads today.
"I hope you enjoy your day. I'll see you later. Let's celebrate, my love.
"I'm just so grateful for you. And thank you for being such a great wife.
"And more blessings to you. I'll always be right behind you. I love you. Happy, happy birthday."
MAINE MENDOZA: FROM YAYA DUB TO MRS. ATAYDE
Bukod sa pagdating ni Arjo, naghandog din ng special performance ang Dabarkads para kay Maine.
Unang nag-perform si Ryzza Mae Dizon na ginaya ang "Yaya Dub" character ni Maine.
Unang nakilala ng publiko si Maine bilang Yaya Dub sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! noong 2015, kung saan sumikat nang husto ang AlDub love team nila ni Alden Richards.

Sunod namang lumabas si Wally Bayola na nagbihis a la-fashionista habang ginagaya ang magazine covers ni Maine, kabilang ang October 2016 cover nito sa Preview Magazine.

Dance number naman ang inihanda nina Carren Eistrup, Atasha Muhlach, at Miles Ocampo habang ipinapakita sa LED screen ang travel moments ni Maine.

Hinarana naman nina Paolo Ballesteros, Allan K, at Jose Manalo si Maine ng kantang "With A Smile" habang ipinapakita sa LED ang mga eksena sa kasal nito kay Arjo.

Sa pagtatapos ng opening number, nagparating sina Tito Sotto, Joey de Leon, at Vic Sotto ng kanilang birthday message para kay Maine.
Unang nagbigay ng birthday greeting si Tito.
Sabi nito, "You will always be our girl. We wish you all the best, not only in your career but also in your married life. Happy birthday, we love you."
Mensahe naman ni Joey, "Yung happy birthday, ngayon lang nagkaroon ng halaga para sa akin dahil hindi lang happy birthday kundi happy kami nakasama ka namin."
Pasasalamat naman ni Bossing Vic, "Sa dami ng pinagdaanan natin, traffic sa EDSA, sa dami din pinagdaanan natin, hindi mo kami iniwan.
"Sa laban, sa lahat, masaya, malungkot, nandiyan ka pa rin. Thank you, happy birthday."
READ MORE:
- Maine Mendoza's wedding gift to Arjo Atayde sparks humorous reactions among netizens
- The exact bridal gown Maine Mendoza wore on her wedding day
- Arjo Atayde gifts Maine Mendoza with Hermès Mini Kelly worth PHP6.5M on their wedding day
- Maine Mendoza, Arjo Atayde give each other “luxurious” wedding gifts
