PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. on Jaclyn Jose death

Gina Alajar, pinuna ang mga nag-uunahan sa "scoop" kapag may namamatay na artista.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2024
jaclyn jose dies
The local entertainment industry is mourning the loss of multi-awarded actress Jaclyn Jose, the only Filipino, so far, to win the Cannes best actress award.
PHOTO/S: Pau Guevarra

Hindi pa man naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Jaclyn Jose tungkol sa pagpanaw nito, headline agad ng ilang news outlets ang pagkamatay ng award-winning actress.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Ang bilas at kapwa award-winning actress ni Jaclyn na si Gina Alajar ang isa sa mga pumuna sa mga maling asal ng ilang mga tao at news outlets na ginagawang scoop ang pagkamatay ng isang personalidad.

Marami ang nagkagusto at pumuri sa Facebook post ni Gina ngayong Sabado ng gabi, Marso 3.

"Eto na naman tayo eh… laging gusto makauna sa scoop… tumahimik muna kayo!!!" pagsaway ni Gina sa mga taong walang respeto sa kapwa, partikular sa mga naulila ni Jaclyn.

gina alajar post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADOLF ALIX JR.

Ang award-winning director na si Adolf Alix Jr. ang isa sa mga labis na naapektuhan sa pagpanaw ni Jaclyn Jose dahil malapit sila sa isa’t isa.

Nag-umpisa ang pagkakaibigan nina Adolf at Jaclyn nang magkasama sila sa Donsol (2006), ang pelikulang mula sa panulat at direksiyon ni Adolf.

Ang twinning tattoos nina Adolf at Jaclyn ang katibayan ng kanilang mabuting pagkakaibigan.

jaclyn jose adolf alix jr. tattoos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jaclyn Jose and Adolf Alix Jr.

Malungkot na malungkot ang boses ni Adolf nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng gabi, Marso 3, 2024.

May dalawang pelikula si Jaclyn na hindi pa niya natatapos gawin na mula rin sa direksiyon ni Adolf—ang Poon at Acetylene Love.

Ang Pieta ang huling pelikula na ginawa nina Adolf at Jaclyn, kasama sina Nora Aunor, Gina Alajar at Alfred Vargas.

Read: Alfred Vargas, excited mapanood ang eksena kasama sina Nora Aunor, Gina Alajar, at Jaclyn Jose

Ang Pieta ang huling pelikulang natapos ni Jaclyn. Nagkaroon ito ng mga special screening noong Disyembre 2023.

Ang pagdalo ni Jaclyn sa 77th Cannes Film Festival sa Mayo 2024 ang isa sa mga pinaplano nila ni Adolf.

Gusto ni Adolf na muling bumalik si Jaclyn sa international film festival na nagbigay sa kanya ng best actress award para sa pelikulang Ma’ Rosa noong Mayo 2016, isang malaking karangalang ibinigay niya sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Bukod sa balak na pagbabalik niya sa Cannes, France, magdiriwang si Jaclyn ng ika-60 kaarawan sa Oktubre 21, 2024.

ALFRED VARGAS

Ikinabigla rin ni Alfred Vargas ang malungkot na balita tungkol sa pagkawala ni Jaclyn.

Kasama sina Nora Aunor at Gina Alajar, nakatrabaho ni Alfred si Jaclyn sa Pieta kaya personal niyang nasaksihan at naranasan ang husay sa pag-arte ng aktres na malaking kawalan sa Philippine movie industry.

Isang karangalan para kay Alfred na makatrabaho ang aktres na kanyang hinahangaan at iginagalang.

PHILLIP SALVADOR

Ikinagulat din ni Phillip Salvador ang pagpanaw ni Jaclyn na nakasama niya sa pelikulang Gabi Na Kumander noong 1986.

gabi na kumander poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinikilala ni Phillip ang galing ni Jaclyn sa pag-arte na naging paboritong aktres din ng kanyang mentor at discoverer, ang National Artist na si Lino Brocka.

Si Brocka ang direktor ni Jaclyn sa White Slavery, ang pelikulang nagbigay sa kanya ng unang nominasyon sa pag-arte noong 1985 mula sa isang award-giving body.

white slavery poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trivia: Mary Jane Guck ang tunay na pangalan ni Jaclyn.

"Jacklyn Jose" ang screen name na ginamit niya nang pumasok siya sa showbiz noong 1984, pero makalipas ang matagal na panahon, inalis niya ang letrang K sa Jaclyn.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The local entertainment industry is mourning the loss of multi-awarded actress Jaclyn Jose, the only Filipino, so far, to win the Cannes best actress award.
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results