Madamdamin ang alaalang ibinahagi ni Jolina Magdangal sa Instagram tungkol sa pinagsamahan nilang trabaho ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose.
Bata pa lamang ay nakasama na ni Jolina si Jaclyn sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula.
Pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso noong March 2, 2024.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
JOLINA MAGDANGAL
May apat na Instagram series si Jolina tungkol sa mga karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa yumaong aktres.
Ngunit, tatlo pa lamang ang kanyang naa-upload.
Sabi niya sa unang post, tungkol sa unang pinagsamahan nilang telesine sa GMA-7 na Casa Lucrecia (1996), "Oh my beautiful Tita Jane. Sa telesine na ito una kita nakasama.. dito palang in-admire na kita dahil sa sobra mong ganda, napaka expressive ng mga mata mo. At dito na din kita naging inspiration sa pag arte.
"Ni katiting wala akong hinaing sa pagbugbog mo sakin dito at isa ito sa mga unforgettable experience ko pag usapang sampalan sa eksena. First time ko maramdaman na ang lower part ng palad (katabi ng wrist) ay tumama ng malakas sa panga ko. Napayakap tuloy ako ng bongga kay Jay Manalo juskoday!
"Dito, gusto ko sana makipag chikahan sayo, pero hindi kita malapitan pag break time o wala tayo pareho eksena kasi feeling ko ikaw ay suplada. Pero nakatulong din yung di tayo nag chikahan kaya naging natural nalang na takot ako sayo sa mga scenes.
"I love you Tita Jane. Praying for you to rest in peace."

Sabi ni Jolina sa ikalawang post, "Eto po yung mga projects na magkasama tayo pero never nagka eksena ng mahaba. 1st pic “Puso ng Pasko” and 2nd pic MMK “Karayom”. Pero alam mo Tita, pag may chance na nandun ako sa shoot day mo, pinapanood kita pag eksena nyo na kasi galing na galing po ako sa inyo umarte. Hindi ko parin po magawang lumapit sa inyo para makipagkwentuhan lang. Sobrang nahihiya po ako.
"Tita, dito ko po narealize na idol ko po kayo. I love you Tita Jane.
"Praying for you to rest in peace."

Ang ikatlo niyang post ay tungkol naman sa teleseryeng Mundo Mo'y Akin ng GMA-7 noong 2013.
Saad niya, "This is the last project we did together before i went back to Abs. Sobrang close na tayo dito kaya kahit di tayo magkasama, nagkukwentuhan parin tayo over the phone.
"Dito sa soap na ito, lagi ko inaabangan mga eksena mo kasi kontrabida ka at nang aapi pero yung attack na ginawa mo sa role mo ay nakakatawa.
"Hay Tita Jane… my lips are smiling but my heart is crying when i think of you.
"I love you Tita Jane. Praying for you to rest in peace."

CANDY PANGILINAN
Puring-puri naman ni Candy Pangilinan si Jaclyn, na kanyang matalik na kaibigan.
Saad niya sa post, "Kababalik mo lang sa pagkakapanalo sa Cannes bilang 1st South East Asian Best Actress.
"Nagcelebrate tayo sa taumbayan. Dapat pala sa Malacanang... hahaha...
Okay na Jane. Pahinga na. Pack up. Bigay ko number ko kina Andi."
View this post on Instagram
ANGELIKA DELA CRUZ
Sabi naman ni Angelika dela Cruz sa kaibigang si Jaclyn, "Paalam Tita Jane .. You have accomplished many good things in life. You worked hard for your family and always followed the path of honesty. You sleep well, my friend. God has a beautiful reward for you. Rest in Peace sa Nagiisang Jaclyn Jose"
View this post on Instagram
VIA VELOSO
Hindi naman malilimutan ni Via Veloso ang pinagsamahan nila ni Jaclyn mula pa noong teleseryeng Mula sa Puso sa ABS-CBN, taong 1997.
Sabi niya, "I will never forget our Mula Sa Puso days. You invited me to watch a movie. We went to Megamall with Direk Andoy Ranay. That was our first bonding.
"Then worked with you again sa BOLERA, ang dami natin oras mag chikahan ,mag tawanan at higit sa lahat mga pagkain na binibigay mo samin. You even called me “My baby girl”. You’re the sweetest Ate Jane. Still shocked pa din sa pagkawala mo. I love you Ate RIP"
View this post on Instagram
Patuloy pa ring dumadagsa ang mga nakikiramay sa mga kamag-anak ni Jaclyn sa Arlington Chapels, Quezon City.
Nakatakda ang inurnment sa mga labi ni Jaclyn sa The Garden of the Divine Word Columbary, sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City, sa Linggo, Marso 10, 2024.
Related Stories:
- Jaclyn Jose: A life lived like in the movies
- Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- aclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance.
- Vice Ganda fondly recalls working with late Jaclyn Jose in two projects
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa isang telesine
- Julio Diaz, nagulat na "naunahan" pa siya ni Jaclyn Jose
- Kylie Verzosa on most memorable line she got from late Jaclyn Jose: "May future ka."
- Andi Eigenmann moved to tears by Coco Martin's eulogy for Jaclyn Jose
- Max Eigenmann recalls spending weekends with half-sister Andi, stepmom Jaclyn Jose
- Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa telesine version ng Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin
- Jomari Angeles, inalala ang glorious moment ni Jaclyn Jose sa Cannes
- Philmar Alipayo bids goodbye to late mother-in-law Jaclyn Jose
- Claudine Barretto on late Jaclyn Jose: "Not many people knew na magkapitbahay kami."
- Cebuano actor Melde Montañez, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa Patay Na Si Hesus
- Anak ni Jaclyn Jose na si Gwen Guck, hindi makakadalo sa inurnment ng labi ng aktres?
