PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V renews GMA-7 contract noontime show comeback

Bitoy is still a Kapuso!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 12, 2024 | Updated Mar 12, 2024
Michael V. renews contrat with GMA-7
Michael V. on being a proud Kapuso: "I’ve been in the entertainment industry for more than 28 years pero most of my time andito ako sa GMA and wala na akong planong umalis pa dahil ito na talaga, e."
PHOTO/S: GMA Network Facebook

Wala nang planong umalis sa bakuran ng GMA-7 ang comedian-TV host na si Michael V. a.k.a Bitoy.

Ito ang isinumpa niya sa harap ng GMA-7 executives nang mag-renew siya ng kontrata sa Kapuso Network nitong Lunes, March 11, 2024.

Present sa nasabing contract renewal sina GMA Network chairman Atty. Felipe L. Gozon, GMA Network president and chief executive officer Gilberto R. Duavit Jr., GMA executive vice president and chief financial officer Felipe S. Yalong, GMA Network senior vice president for entertainment group Lilybeth G. Rasonable, at ang talent manager at misis ni Bitoy na si Carolina Bunagan.

Ani Bitoy, itinuring na niyang tahanan ang GMA-7 sa loob ng 28 taon at anuman daw ang mangyari ay wala siyang planong iwan ito.

Saad niya, "I’ve been in the entertainment industry for more than 28 years, pero most of my time andito ako sa GMA and wala na akong planong umalis pa dahil ito na talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is definitely my home and it will be my home until siguro the last days of my entertaining life."

Is Michael V. ready to host a noontime show again?

Sa ginanap na contract renewal, natanong din ng GMA News Online si Bitoy hinggil sa matagal nang bulung-bulungan tungkol sa posibilidad na pagbabalik niya sa noontime show bilang isang host.

Read: GMA-7, wala pang anunsiyo tungkol sa show na kapalit ng Tahanang Pinakamasaya

Diretsahan niyang pag-amin, hindi pa siya handang bumalik sa paghu-host.

Aniya, "Parang hindi pa time. There’s a reason why I left Eat Bulaga! before.

"I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak."

Nagsimulang umugong ang haka-hakang pagbabalik noontime show ni Bitoy nang kumalas bilang main host sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang Dabarkads sa TAPE (Television and Production Exponents) Inc., ang producer ng Tahanang Pinakamasaya na dating Eat Bulaga! sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?

Pinabulaanan na rin noon ni Bitoy ang espekulasyong ito nang i-post niya sa Instagram ang screenshot ng lumabas na balita at nilagyan ng stamp na “fake news.”

Ang titulo ng balita: "Michael V, tinabla ang offer ng EB; Kuya Kim, tumanggi na rin!" Nailathala ito noong June 6, 2023.

Mababasa sa caption niya (published as is), “While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS.

“WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7.

"At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment.”

Read: Michael V calls report he turned down Eat Bulaga! offer as "fake news"

Si Bitoy ay naging host ng Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show ng bansa, simula noong 2004 hanggang sa lisanin niya ito noong 2016.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang vlog sa YouTube noong October 2018, ipinaliwanag ni Bitoy kung bakit niya napagdesisyunang umalis sa dating Kapuso noontime show.

Lahad niya, "Mayroong point in my life na sobrang kailangan kong gawin na dati Wednesdays, Fridays, and Saturdays ako, naging Fridays and Saturdays na lang. Naging Saturday na lang, so parang medyo nahihiya na ako.

"Napakaliit na oras na lang ang mailalaan ko for them, nakakahiya namang magtrabaho nang ganun. And besides, that time talagang kaputukan nung AlDub."

Ang AlDub na tinutukoy niya ay ang tambalang nabuo noon nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pagpapatuloy pa ni Bitoy, "I think that was the perfect time for me to do something else, yung mga kailangan kong gawin para hindi nakakahiyang medyo hindi muna pumasok sa Bulaga.”

In-offer-an naman daw siyang bumalik noon sa Eat Bulaga!, ngunit hindi na niya nagawa dahil naging busy na siya sa sunud-sunod na proyekto.

Saad niya, "From time to time tinatawagan pa rin ako ng Bulaga to host, it just happens na hindi lang talaga nagtutugma yung schedule, medyo busy pa rin. Pero open yung line namin ng Bulaga, so no problem dun sa part na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michael V explains why he stopped being co-host in Eat Bulaga

Bukod sa Eat Bulaga!, naging host din si Bitoy sa iba't ibang programa ng GMA -7 gaya ng Hole in the Wall at Bitoy's Showwwtime (2009), at Lip Sync Battle Philippines (2018).

Sa kaslaukuyan, napapanood pa rin si Bitoy sa long-running comedy gag show ng GMA-7 na Bubble Gang, na magtu-29 years na sa ere ngayong 2024.

Ang kanyang namang weekly comedy show na Pepito Manaloto ay 14 taon nang umeere.

Read: Kapuso comedian Michael V. on crossing paths with Kapamilya comedian Vice Ganda: “Possibilities.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V. on being a proud Kapuso: "I’ve been in the entertainment industry for more than 28 years pero most of my time andito ako sa GMA and wala na akong planong umalis pa dahil ito na talaga, e."
PHOTO/S: GMA Network Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results