Ikinatuwa ng maraming netizens ang muling pagkikita ng dating makasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Naganap ang pagkikita ng dalawa sa surprise tribute party sa star builder na si Johnny Manahan o Mr. M noong Sabado, March 16, 2024.
Read: Joshua Garcia, gustong makatambal muli ang ex-girlfriend na si Julia Barretto
Sa kumakalat na video ngayon sa social media, makikita si Julia na kausap ang dating ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio nang dumaan sa gilid ang ex-boyfriend ng aktres na si Joshua.
Mabilis ding huminto si Joshua para batiin ang dating nobya.
"Hi," nakangiting bati ng aktor sabay yakap kay Julia.
Ikinatuwa ito ng ibang guests na nakakita, lalo na si Charo.
"My favorite love team. Kinikilig ako sa kanila," sabi Charo sabay pose para magpa-picture sa dalawa.
Bukod kay Joshua, nakita rin muli ni Julia sa party para kay Mr. M ang kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.
Read: Claudine, Julia Barretto reunite at Mr. M tribute event
Namataan din si Julia na nakipagbeso at yumakap sa kapwa aktres na si Bea Alonzo, na nakaisyu noon dahil sa aktor na si Gerald Anderson.
Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party
JULIA-JOSHUA RELATIONSHIP
April 2019 nang isapubliko nina Julia at Joshua ang tungkol sa kanilang two-year relationship.
Read: Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship
Pero pagkalipas lamang ng ilang buwan matapos nilang umamin ay tinapos na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.
June 2019, inamin nina Julia at Joshua na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.
Read: Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision
Napagdesisyunan daw nilang bumalik muna pagiging “bestest of friends" na nagsimula nang maging magka-love team sila bilang JoshLia.
Read: Julia Barretto quashes third-party issue in breakup with Joshua Garcia
Pero sa pagkakadawit ng pangalan ni Julia sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Bea at Gerald, inamin mismo ni Julia noong August 6 na apat na buwan na silang hiwalay ni Joshua.
Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party
Sa panayam ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 22, 2022, sinabi niyang nananatili silang magkaibigan ni Julia sa kabila ng kanilang pinagdaanan.
Read: Joshua Garcia reacts to Julia Barretto's no-girlfriend advice to him
Sa kasalukuyan ay boyfriend na ni Julia ang ex-boyfriend ni Bea na si Gerald.
Habang si Joshua naman ay nali-link ngayon sa Filipino-French golfer na si Emilienne Vigier.
