Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship

by Rachelle Siazon
Apr 4, 2019
In their respective Instagram Stories last night, April 3, 2019, Joshua Garcia and Julia Barretto reveal that they are now in their second year as a real-life couple.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram

Kinumpirma nina Joshua Garcia at Julia Barretto na dalawang taon na silang magkasintahan.

Ito ay matapos silang sabay na nagbahagi ng couple picture sa kani-kanilang Instagram Story kagabi, April 3.

Kalakip ng litratong ipinakita ni Julia ay ang written text na "dalawang taon" at isang thumbs up emoji.

Continue reading below ↓

Ibang litrato naman ang ipinakita ni Joshua pero mayroon din itong caption na "-Dalawang taon."

Lumalabas na April 3, 2017 nagsimulang maging magkasintahan sina Joshua at Julia.

JOSHLIA'S LOVE STORY

Unang nagkakilala sina Joshua at Julia sa kanilang pinakaunang hit movie, ang 2016 Metro Manila Film Festival entry na Vince & Kath & James.

Continue reading below ↓

January 2017 nagsimulang manligaw si Joshua kay Julia.

"Golden girl" ang tawag noon ni Joshua kay Julia dahil daw sa tamang timing ng pagdating ng dalaga sa buhay niya.

"The brave one" naman ang tawag ni Julia kay Joshua dahil sa unconditional love na ipinararamdam ng binata sa kanya.

Nasaksihan ng JoshLia fans kung gaano ka-inseparable ang dalawa sa isa't isa, base sa mga naiulat na dinner dates, surprise gestures, at iba pang kilig moments nina Joshua at Julia nitong nagdaang dalawang taon.

Pero noon lamang July 2018 unang nagpahiwatig si Julia na magkasintahan na sila ni Joshua.

Sa isang blogcon para sa pelikula nilang I Love You, Hater, inilarawan ni Julia na "normal couple" sila ni Joshua na madalas mag-away pero mabilis ding nagkakaayos.

Nasundan pa ito ng tawagin ni Julia na "gamer boyfie" si Joshua noong December 2018.

OVERCOMING RELATIONSHIP TROUBLE

Minsang dumaan sa pagsubok ang relasyon nila nang mapabalita ang pag-iwan ni Joshua ng maiksing Instagram direct message sa isang female netizen noong March 2018.

Continue reading below ↓

Nalagyan ito ng malisya ng kumalat ang pekeng Facebook private chat kung saan sinasabing nakipagpalitan ng mensahe si Joshua sa netizen.

Pero kinalaunan ay nabigyang-linaw na hindi totoo ang Facebook private chat na iyon.

April 6, 2018 nang i-repost ni Julia sa Twitter ang katagang "Ang kay Julia ay kay Julia."

Bago ito ay nilinaw na rin ni Joshua, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 22, 2018, na "personal" na silang nag-usap ni Julia tungkol sa isyu na iyon.

Read Next
Read More Stories About
julia barretto, Joshua Garcia
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In their respective Instagram Stories last night, April 3, 2019, Joshua Garcia and Julia Barretto reveal that they are now in their second year as a real-life couple.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results