PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mikael, Buboy, Kokoy excited for Running Man Philippines Season 2

Will there be Korean celebrities as guests?
by Rommel Gonzales
Published Apr 1, 2024
kokoy mikael buboy running man ph
(From left) Kokoy de Santos, Buboy Villar, and Mikael Daez talk about their experience shooting Running Man Philippines Season 2 in South Korea.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Tapos na ang taping para sa second season ng Running Man Philippines na kinunan muli sa South Korea.

Sa mediacon ng GMA Network para sa kanilang comedy at game shows na tinawag nilang "Basta’t Sama Sama… Best Time Ever," tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang Running Man Philippines cast members na sina Mikael Daez, Buboy Villar, at Kokoy de Santos kung ano ang pinakamaganda o pinaka-memorable nilang karanasan sa taping ng kanilang show sa Souh Korea.

Read: Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea

Saad ni Buboy, “Actually, ang magandang memory po namin doon ay yung meron kaming mga guests. Kasi hindi po namin in-expect yung mga pangyayari.”

Sikreto pa raw kung sino ang tinutukoy ni Buboy na celebrities, na ang iba ay malamang mga Koreano.

Aniya, “Hindi ko po masasabi sa inyo, pero gustung-gusto na po naming ipalabas itong Running Man Philippines kasi sobrang nakaka-proud bilang isang artista po dito sa Pilipinas na maranasan po yung ganung pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Huwag po kayong mag-alala dahil kung ano po yung sinasabi ko, malalaman niyo rin po iyon. So, abangan niyo po yung mga guest.”

Sabi naman ni Kokoy, “Bukod po sa mga pina-experience sa amin na mga talagang never namin na-imagine na mae-experience namin sa South Korea, bukod sa guests, yung winter.

“First [time], feeling ko tayong tatlo, ‘no, first,” sabay-baling ni Kokoy kina Mikael at Buboy, na katabi niya sa mediacon.

Pagpapatuloy ng aktor, “Lalo na yung snow, first time kong maka-experience ng snow, at siyempre Running Man [Philippines] pa yung nagpa-experience sa akin.

Singit naman ni Mikael, “Dagdag lang ako sa kuwento ni Kokoy, yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative twenty-two degrees!

“Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami, pero masaya pa rin siya! Part iyon ng challenge.

"And dagdag ko lang din, actually hindi lang sa kanila, pero a lot of people here, nakatabaho ko na rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And tama yung sinabi ni Art [Arthur Solinap]. e, it’s a family. And saktung-sakto nga yung motto nila na 'Best Time Ever' kasi I’ve had a lot of really good times with everyone here...

“But I think dun sa ginagawa namin sa Running Man PH, mag-e-enjoy talaga yung mga Kapuso, yung mga nanonood, dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runners.

“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin dun sa mga pinagagagawa naming mga games, mga mission.

"And iyon din yung feeling kong magiging parang strength ng Running Man PH, na matutuwa yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”

Bukod kina Mikael, Buboy, at Kokoy, ang iba pang runners ng Running Man Philippines Season 2 ay sina Glaiza de Castro, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Miguel Tanfelix.

Read: Miguel Tanfelix joins Running Man Philippines as 7th member

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Kokoy de Santos, Buboy Villar, and Mikael Daez talk about their experience shooting Running Man Philippines Season 2 in South Korea.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results