Ang usual eksena sa movies or series, pag nag-resign ang isang empleyado, may maliit siyang box tapos lalabas ng building o office na dala-dala iyon.
In some cases, kapag slightly more intense, i-escort-an si main star ng mga guards palabas, tapos bilang may pride at prinsipyo siya, hihirit ng, "I will leave on my own."
Sa bibihirang pagkakataon, may mag-i-iskandalo tapos palalabasin ng guards.
Read:
Production, may problema sa pasahod?
Mabait at magalang na showbiz personality nag-meltdown sa isang hotel
Aktres, sinasamantala ang libreng publicity dahil sa kinasasangkutang controversy
Parang ganito pala ang nangyari sa isang Personality sa totoong buhay.
Ni hindi siya nakapagbitaw ng parting shot dahil, ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), siya ay "pinalayas at kinaladkad sa labas."
Why naman so dramatic and traumatic ang exit?
Ayon pa rin sa source, para raw kasing in denial si Personality na kelangan na niyang mag-goodbye sa kung saan man siya nagtatrabaho.
As in ayaw daw niyang umalis kaya tuloy, hinila siya ng security palabas, at may mga witnesses na nakita ang eksena.
Read:
Personality, mahilig mag-imbento ng kuwento?
Newbie actor na may maamong mukha, may threesome video
Female broadcaster, blinock ni male broadcaster sa social media
Pero maliit na bagay daw yun kumpara sa magiging parusa ni Personality kapag binutingting ang diumano'y kasalanang nagawa niya.
So, dapat maging thankful pa rin daw si Personality na ganun lang ang nangyari.
At sana nagsilbing aral yun para mas pahalagahan niya ang anumang meron siya, pati ang mga taong nakapaligid sa kanya.
Pero duda si source if magbabago si Personality. May attitude problem daw kasi.