Napaka-talented naman ni Personality.
Andami niyang puwedeng gawin, at mapapa-sana all ka dahil kaya niya actually mabuhay at maging angat sa buhay nang dahil sa kanyang talents.
Pero ayon sa mga nakakakilala kay Personality, may isa pa siyang kayang gawin: ang gumawa ng script.
Ilan sa mga plots na ginawa niya ay tungkol sa biktima ng panloloko.
Meron ding tungkol sa pagiging generous pero inabuso.
Meron din siyang kuwento about pagtitiwala kaya madaling pagsamantalahan.
Puwedeng-puwede raw talaga siyang scriptwriter ng teleserye.
Kasi, ayon sa source, lahat ng true-to-life or real-life stories niya ay "puro imbento."
Read:
Showbiz couple, na mala-relationship goals, nanganganib maghiwalay
TV program bilang na ang mga araw dahil sa problemang pinansiyal
Si source ay kakilala ng mga diumano'y nang-api o nanloko o nagsamantala sa kabaitan ni Personality.
At kung maririning daw ang kabilang panig ng kuwento, ibang-iba ito sa version of truth ni Personality.
Sabi ni source, "May resibo. May pruweba. May screenshot ng messages. At iba sila sa narrative ni Personality."
Ang siste, maraming napapaniwala si Personality sa mga kuwento niya.
Pati mga kilalang tao ay nagbibigay ng encouraging words, pero kung malalaman daw nila ang totoo, mapapahiya sila.
Read:
Aktres aalis muna ng Pilipinas kasama ang inililihim niyang anak
Aktor at aktres na malaki ang agwat ng edad, kumpirmadong may relasyon
Sabi pa ni source, "Hindi ako naniniwala na siya yung tipo na kaya mong apihin o bolahin o papaniwalain.
"Hindi naman siya ganun ka-gullible siguro, at lalong hindi siya helpless."
Takang-taka tuloy si source dahil parang ayaw tumigil o paawat ni Personality sa paghahabi ng mga kuwento niya.
"Puwede siyang scriptwriter!" bulalas niya.
Saka niya sinabing, "Walang nanloko sa kanya. Pero mukhang yun ang pinaniniwalaan niya o gusto niyang ipaalam sa madla.
"At generous siya kamo? Kung ganun nga siya, dapat move on na siya from the past. Wala nang kuda-kuda o parinig-parinig. Wala naman nang nang-aano sa kanya."
Read:
Aktor nawalan ng tatlong endorsements matapos ang breakup nila ng aktres
Dalawang aktres na magkasama sa isang programa, tinapos na ang silent feud
Sabi pa ni source, "Ni hindi iisipin niyan na ilibre ang mga malapit sa kanya pag kakain sila sa mamahaling restaurant.
"KKB, dzai. Kung tutuusin, barya lang yun sa kanya. Pero yun ba yung kaya mong lokohin?
"Kaya do not be deceived by what you see."
Baka dapat, for the peace of mind ni Personality, mag-change career na lang siya.
"Bakit hindi na lang siya mag-scriptwriter talaga. Siya na rin ang bida, direktor, at producer kung gusto niya."
Pero ang wish ni source, "Puhleeeeeese, tantanan na ang past. Move on na and magsabog na lang ng happiness."
Mahirap mabuhay nang may galit sa puso.
"Nakakapangit," sabi pa ni source.
Parting shot ni source para kay Personality, "Kung ako sa kanya, kung totoong niloko o inabuso ako, I won't spare the manloloko another thought. Let go. They do not deserve a minute of my time. Di ba ganun dapat?"
Para naman sa mga netizens, babala niya, "Huwag basta-basta maniwala. Maraming scheming na personalities."