Diretsahang inamin ni Ruru Madrid na nabigla siya sa kissing scene nila ng Vivamax A-lister sexy star na si Angeli Khang sa pinagbibidahang prime-time drama-action series ng aktor sa GMA-7, ang Black Rider.
Si Angeli ang bagong dagdag na karakter sa Black Rider sa panibagong kabanatang tatahakin nito sa prime time.
Gumaganap siya bilang Nimfa, ang makakatunggali ni Bane (Yassi Pressman) para sa pagmamahal ni Elias (Ruru).
Read: Sexy star na si Angeli Khang, huling birhen ng Isla Alakdan sa Black Rider
Sa ginanap na presscon ng Black Rider noong April 16, 2024, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press ang unang beses na pagkikita at pagsasama nina Ruru at Angeli.
Rebelasyon ni Ruru, kilala na niya noon pa man si Angeli ngunit hindi pa umano siya nakakapanood ni isang proyekto na ginawa nito sa Vivamax.
Natatawang pahayag ni Ruru, "To be honest, kasi siyempre hindi ako puwedeng mag-subscribe, e.
"Pero of course, may idea naman ako sa mga nagawa niyang pelikula.
"Sa totoo lang, noong nagkaroon kami ng picture together, yung pinsan ko, my dad, and even yung mga kaibigan ko, biglang nagme-message sa akin na, 'Uy si Angeli yan.'
"Ang dami nilang sine-send sa akin na messages, pero natatawa lang ako.
"Kaya nakakatuwa na para mapabilang yung ganong kasikat at pinapanood po ng mga kaibigan at kakilala ko [sa Black Rider], e, malaking karangalan at siguradong susuportahan siya."
Read: Angeli Khang huling pelikula na sa Vivamax ang Salawahan
"KISSING SCENE" WITH ANGELI
Ikinuwento rin ng Kapuso hunk actor ang naging eksena nila ni Angeli sa kanilang unang pagkikita na ikinagulat niya.
Ayon kay Ruru, hindi niya sukat-akalain na ang unang eksenang gagawin nila ni Angeli ay may halikan.
Lahad niya, "Nagulat ako dun, kasi first day namin is kissing scene.
"Actually, ang nakalagay sa script, magsisimula sa kiss and then eventually parang mapupunta sa bed scene, parang ganyan.
"Sabi ko, 'Wait lang po, parang masyadong abrupt. Baka parang too much.'
"And, of course, sa audiences na rin, lalo na maraming tagasubaybay na mga bata.
"So, nung ginawa namin ang eksena, to be honest, hindi siya nagmukhang bastos, hindi siya bastusin. Parang mas wholesome at talagang may puso.
"Bale kasi ang naging eksena ni Direk, drinone shot niya, e, parang maging romantic.
"Nung nag-kiss na kami, inangat na nila [yung camera] para hindi masyadong kita yung kiss."
Read: Ruru Madrid: "Hindi ko po in-expect na mararating ko po yung kung nasaan ako ngayon."
Sundot na tanong ng press, "Hindi ka pa ba ready sa mga ganong eksena kahit sa mga pelikula?"
Sagot ni Ruru, "Hindi naman sa hindi ready. Kapag kailangan po talaga sa eksena, gagawin ko naman.
"Pero parang pakiramdam ko rin naman, I mean, personally, bilang isang viewer din ng Black Rider, baka sobrang abrupt, baka masyadong mabilis lang.
"Pero kung mailalatag naman natin nang maayos, slowly, gently, e, why not?"
BIANCA UMALI'S REACTION
Hindi rin nakaligtas si Ruru na mausisa kung ano ang naging reaksiyon ng long-time girlfriend niyang si Bianca Umali.
Pagtatapat ng aktor, nagawa na nila ni Angeli ang eksena nang ipaalam niya ito kay Bianca.
Ani Ruru, "Kinuwento ko po agad. Sa totoo lang, hindi kasi malinaw sa akin na may kissing scene.
"Galing kasi kami ng Canada noon, tapos pag-uwi, dumiretso ako agad sa taping...
"So, pagdating ko sa set, nabasa ko na lang na meron palang mga kissing scene na doon ko na lang nalaman, akala ko kasi dyinu-joke lang ako, pero totoo pala.
"E, walang signal sa Tanay. So ako, sabi ko, kailangan ko tong masabi agad [kay Bianca], pero wala akong choice, gagawin ko yung eksena na hindi pa niya nalalaman.
"After nung araw na yon, in-explain ko naman sa kanya noong may signal na.
"Sinabi ko sa kanya na kailangan sa eksena, may pinasok na bagong leading lady na kung saan meron kaming kissing scene, kailangan naming gawin.
“Kasi ang usapan namin ni Bianca, bilang mga actors kasi transparent kami sa isa’t isa.
"Ayun ang nahanap naming sikreto para maging maayos yung relationship namin na dapat aware kami sa nangyayari sa isa't isa, lalo na pagdating sa mga ganyang bagay kasi para alam namin ang expectations.
"Kasi may social media, e, may TV, na kapag napanood niya, 'O, bakit may ganito?' Kumbaga, walang gulatan."
Read: Ruru Madrid on Bianca Umali: "Alam ko sa sarili ko na isa lang ang mamahalin ko habambuhay.”
Anong naman ang reaksiyon ni Bianca?
Sabi ni Ruru, "Na-appreciate niya yung honesty ko.
"Sabi niya lang, 'Okay.'"
Read: Ruru Madrid says breakup with Bianca Umali made him realize she's "The One"
LEVEL OF TRUST
Malaki rin daw ang respeto ni Ruru sa mararamdaman ni Bianca kung kaya't maingat siya sa mga ginagawa niyang eksena.
Hangga't maaari ay kailangan daw niyang ipaalam muna sa aktres ang bawat eksenang gagawin niya lalo na kapag intimate scenes.
Lahad ni Ruru, "Si Bianca kasi, she’s very transparent, so of course ini-expect niya na ganun din ako sa kanya.
"Yun ang parang naging dynamics ng relationship namin na maging transparent kami para alam din namin ang ie-expect sa isa’t isa.”
Read: Ruru Madrid, sigurado nang si Bianca Umali ang "the one": "It's my final answer!"
Hindi ba siya in-interrogate ni Bianca matapos niyang ipagtapat ang kissing scene nila ni Angeli?
Pagmamalaking sagot ni Ruru, "Wala na, kasi parang nandon na kami sa point ng relationship namin na...
"Kasi magsi-six years na kami sa July, hindi sa walang selosan kasi hindi rin naman natin maiiwasan yung ganun pero kasi yung level of trust namin buong-buo na.
"Ako marami rin naman akong naging kalokohan dati, kilala niyo ako, alam niyo mga kapilyuhan ko, kalokohan, pero binago ko na.
"Nakita ko rin kasi yung kahalagahan ng buhay at the same time ayoko na ring gumawa ng isang bagay na ikakasira ko bilang isang tao.
"Ayoko na po ng ganun, ayun, nandon na kami. Parang yung level of trust namin sa isa't isa is buong-buo na."
Read: Ruru Madrid admits courting female celebs in the past for "ego booster"
