Sinegundahan ni Vic Sotto ang paglilinaw ni Joey de Leon na hindi kaaway ng Eat Bulaga! ang It's Showtime.
Aniya, kalaban o katapat daw nila ang show sa noontime slot, at normal lang na may rivalry.
Sa panayam ng TV5 entertainment journalist na si MJ Marfori, na lumabas sa kanyang YouTube channel kahapon, April 20, 2024, klinaro ito ni Vic, "Alam mo, hindi kasi ako ma-social media, e, so mga nadidinig ko lang.
"Pero, part of the game, kasama sa buhay yun, e.
"Yun ang nagpapasaya ng araw-araw natin, e. Yung mga manonood, mga magkokontrahan, kasama sa hanapbuhay yun."
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5
Saka niya binanggit ang matagal nang kumpetisyon sa pagitan ng dalawang shows.
Aniya, "Ay, hindi. Never, never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban, pero kaaway?
"Iba yung kaaway namin. Alam niyo na kung sino iyan.
"Iba yung kaaway sa kalaban, e. Yung kalaban, it could be a friendly competition which has always been the case with Eat Bulaga! and Showtime.
"Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila.
"Iyan ang nagpapasaya ng tanghalian ng Pilipino. So ba't ganun na lang."
THE TIRADES OF TITO Sotto AND JOEY DE LEON
Matatandaang may nagpapakalat na diumano ay magsasara na ang Eat Bulaga! dahil sa pagkalugi.
Pero mariin itong pinabulaananan nina former Senator Tito Sotto at Joey sa episode ng Eat Bulaga! nitong Miyerkules, April 17, 2024.
Ayon sa mga naglabasang ulat, nagkakaroon ng pag-uusap mga ang producers ng Eat Bulaga!, ang Media Quest, at TVJ Productions, dahil lumalaki ang production cost ng longest-running noontime show sa bansa.
Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?
Nangyari ang pag-alma nina Joey at Tito sa "Gimme 5: Laro ng mga Henyo" segment ng TV5 noontime show.
Giit ng dating senador, hindi totoong nalulugi ang TVJ Productions, Inc. at magsasara na ang kanilang programa.
Saad ni Tito, "May mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, at magsasara na raw tayo. Sabi ng mga sinungaling."
Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."
Sabat naman ni Joey, "Tito, naiinggit lang ang mga iyan dahil hindi sila kasali sa Top 5 longest-running show in the world."
Ang Eat Bulaga! ay 45 taon nang umeere sa telebisyon mula pa noong 1979.
Dagdag pa ni Tito, para mapatunayang walang katotohanan ang naglalabasang tsismis ay maglalabas daw sila ng kopya ng Income Tax Return na isinumite nila sa BIR (Bureau of Internal Revenue).
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
Sabi ng dating senate president, "Para mapatunayan na tayo ay hindi nagsisinungaling at sila ang sinungaling, bukas, bibigyan natin ang media ng kopya natin ng filed income tax.
"Kaya sa mga Dabarkads at sa mga ilang hindi Dabarkads, yun pong nagsasalita ng mga ganon, sinungaling iyon, kaya huwag na kayong maniwala sa mga ganon."
JOEY DE LEON CLARIFIES STATEMENT
Hindi rin nakatiis si Joey na magbigay ng saloobin sa mga patuloy umanong naninira sa kanilang programa.
Wala mang binanggit na pangalan o kampo, may pasaring siya sa mga aniya'y bumabastos sa kanila.
Aniya, “Heto muna ang hamon ko, umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap niyo. Fifteen lang ha, hindi 50 years...
“Bastusan na kasi ang labanan, e. Bastusan na, siraan, walang kuwenta. Enjoy lang tayo.
"Umabot muna kayo ng 45 years. Longest-running, Top 5 in the world."
Dagdag pa niya, "Mainggit kayo! Bakit kayo ganyan? Ang sasama ng ugali ninyo."
Mabilis na nag-react ang netizens.
Wala man siyang binanggit na show, ang tanging katapat ngayon na noontime show ng Eat Bulaga! ay It’s Showtime .
May mga nagpaalala rin na nagsimula noong October 24, 2009 ang It's Showtime, kaya magpi-15 years na ito sa darating na October 2024.
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5
Read: Joey de Leon reacts to suggestion pushing TVJ as National Artists
Pero noong umaga ng Biyernes, April 19, nilinaw ng veteran TV host-comedian na wala siyang sinabi kung anong partikular na programa ang hinahamon niyang luluhuran kapag umabot ng 15 years.
Maikli ang caption niya sa inilabas niyang video sa Instagram at Twitter: “Isang paglilinaw…”
Mahaba-haba ang kanyang paliwanag, “Hi good morning, Joey de Leon po. Ito’y para lang matapos yung mga usap-usapan.
“Ahhh, unang-una, hindi, hindi ha? Hindi namin kaaway yung Showtime.
“Yung Showtime, matagal na naming kapitbahay iyan. Hindi kami tinitira, hindi rin namin sila tinitira.
“Ang pinapatungkulan namin ni Tito nung nagalit kami sa Eat Bulaga! ay yung mga social media na nagpo-post… yung mga alam niyo na nagpoprograma.
"Kaya hinamon ko, 15 years, kung tatagal yung mga nagpo-post na yun. Hindi Showtime.
“Uy, happy anniversary, Showtime, ha? Fifteen years na nga yung Showtime, ba’t ko hahamunin yun?"
Saad pa ni Joey, “Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin.
“Hindi po… magkakaibigan din kami. Yung pinapatungkulan namin ni Tito, yung mga nagpo-post na magsasara na kami.
“Dadalawa na lang yung show, isasara pa yung isa? At iyung isa yung… well, hindi naman sa pagyayabang. Yung longest-running Top 5 na sa mundo, e.
"Kaya thank you. Kasama kayo dun sa honor na yun."
Diin ng veteran TV host-comedian, "Kaya inuulit namin, yung galit namin ni Tito at ng mga Dabarkads at sama ng loob, dun sa mga nagpo-post na hindi free TV… yung sa mga anong tawag dun? Mga Facebook, Instagram, social media. Mga salbahe dun!
“Kaya para malinaw… alagang luluhod ako, dadapa pa ako kung maka-fifteen years yung mga tsismoso na yun. Yung mga sinungaling na yun.
“Pero yung Showtime, we love you. Hindi kami magkaaway, at nagtatrabaho lang kami. Yun lang yun!
“Okay? Ganun lang kalinaw. Nililinaw ko lang.
"Kasi hahaba pa ito, e. Yung iba, nilalagyan pa ng ano, ng kulay, pinagsasabong.
“Nagtatrabaho lang po kami, dahil dadalawa lang kaming lunch shows.
“We love each other. Matagal na. Mahigit isang dekada na kaming magkapitbahay.
“So, yun lang po. Inuulit ko. Yung mga nagpo-post na sinungaling sa social media. Yun ang mga buwisit. Yun ang mga pinapatungkulan namin. Okay?”
Read: Joey de Leon, nilinaw na hindi It's Showtime ang pinatatamaan nila sa Eat Bulaga!
