PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ana Jalandoni on good terms with ex-boyfriend Kit Thompson

Ana Jalandoni denies getting pregnant
by Arniel C. Serato
Published May 2, 2024
Ana Jalandoni on ex-boyfriend Kit Thompson
Actress and movie producer Ana Jalandoni is very happy that her film Manipula is part of Jinseo Arigato International Film Festival 2024 in Nagoya, Japan: "Siyempre pinagpi-pray ko na magkaroon ng award yung pelikula. Tsaka maging best actress. Sana naman, baka naman, Lord, baka naman."
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi muna raw prayoridad ni Ana Jalandoni ang love life dahil abala siya sa ibang aspeto ng kanyang karera.

Pinagtawanan din niya ang intrigang lumabas noong nagkabalikan na umano sila ng ex-boyfriend na si Kit Thompson.

Nabuntis pa nga raw siya, at si Kit ang ama.

Read: Ana Jalandoni, may malalim na dahilan sa pagtangging nagkabalikan sila ni Kit Thompson

"Ano? Grabe yun. Sino may sabi? Tsismis yun," sagot ni Ana nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng bagong ride-hailing app na PeekUp noong Martes, April 30, 2024, sa Mega Fashion Hall, sa Megamall.

Para patunayang hindi siya nabuntis, ipinakita pa ni Ana ang kanyang seksing pangangatawan.

Ana Jalandoni shows sexy figure to debunk she's pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong pa niya sa PEP.ph, "Hindi. Ano ba? Buntis ba?"

Nag-uusap o nagkaayos na ba sila ni Kim?

Sabi ni Ana, "Okay naman kami. We're friends. [On] good terms naman kami.

"Hindi naman kami madalas mag-uusap, iisa lang management namin."

Sina Ana at Kit ay parehong nasa ilalim ng pangangalaga ng Cornerstone Entertainment.

"Oo naman," sagot ni Ana sa tanong kung naka-move on na siya.

Naging mainit ang usap-usapan nang hiwalayan ng dalawa noong taong 2022 dahil nauwi sa pisikalan ang masaya sana nilang bakasyon sa Tagaytay.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

HAPPY FOR MANIPULA

Masayang-masaya si Ana ngayon dahil napili ang kanyang pelikulang Manipula bilang isa sa spotlight entries sa Jinseo Arigato International Film Festival 2024.

Ang Manipula ay pinagbibidahan ni Ana, at isa rin siya sa producers.

Gaganapin ang film festival sa Nagoya, Japan, sa May 25 to 26, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa pelikula si Aljur Abrenica, Kiko Matos, Christian Vazquez, Marco Alcaraz, Mark Manicad, Rosanna Roces, at Alan Paule. Ito ay mula sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Sabi ni Ana, "So, ngayon pa lang siya, thank God, na nakapasok ang Pilipinas sa Nagoya, Japan, ngayon pa lang siya mapapalabas."

Ano ang pakiramdam na napili ang pelikula niya sa isang festival sa Japan?

Ayon kay Ana, "Exciting. Sobrang happy, of course, number one.

"Tsaka sobrang naka-excite kasi hindi lang naman Manipula yung napasok doon.

"Marami din talagang pelikulang gawang Pilipino na nandun.

"At tsaka, ayun, siyempre pinagpi-pray ko na magkaroon ng award yung pelikula.

"Tsaka maging best actress. Sana naman, baka naman, Lord, baka naman."

Inamin din ni Ana na mabibigat ang magiging kalaban nila.

Ayon kay Ana, ma-nominate lang siya ay isang malaking karangalan na.

Saad niya, "Oo naman, sobra. Kaya nung nalaman ko yun, hindi ako mapaniwala na parang, 'Lord, ito na ba yun?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi ang tagal kong inantay. Ilang years din, two years, tapos eto na."

Sa ngayon, tututok muna si Ana bilang movie producer.

Aniya, "Siguro dahil nasa business line talaga ako. Tsaka gusto ko makagawa ng magandang pelikula.

"Alam mo yun, nakatatak sa tao."

May isa pang pelikulang si Ana rin ang producer, ang The Morning After, na si Xian Lim ang direktor.

Relaed Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and movie producer Ana Jalandoni is very happy that her film Manipula is part of Jinseo Arigato International Film Festival 2024 in Nagoya, Japan: "Siyempre pinagpi-pray ko na magkaroon ng award yung pelikula. Tsaka maging best actress. Sana naman, baka naman, Lord, baka naman."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results