Trending topic muli ang beteranong TV host at comedian na si Joey de Leon nitong mga nakalipas na araw.
May kinalaman ito sa birthday celebration ng Dabarkads na si Miles Ocampo sa Eat Bulaga! noong May 1, 2024.
Hindi nagustuhan ng ilang netizens at viewers ang hirit ni Joey. Pinaratangan itong nag-body shaming kay Miles.
Naganap ito habang nagbibigay ng mensahe ang Eat Bulaga! hosts para kay Miles.
Unang nagkomento si Tito Sotto.
Pagbati ng dating senador: “Dahil birthday mo, wala akong ibang masasabi kundi pataas!”
“Pababa,” balik-biro ni Miles.
Sumingit naman si Joey at humirit: “Pataba. E, pababa.”
Si Joey, na tinatawag ding "Master Henyo," ay kilala sa kanyang word-play humor.
Ang “pataas” at “pababa” ay mga salitang ginagamit sa Eat Bulaga! para sa game segment nitong "Peraphy."

NETIZENS SLAM JOEY DE LEON for insensitive joke
Wala sa ibang co-hosts ang sumakay sa biro ni Joey kay Miles, pero hindi ito nakaligtas sa mapagmasid na netizens.
Naglabas sila ng saloobin sa X (formerly Twitter), dahilan para mag-trend si Joey.
Karamihan sa mga komento ay pagpuna sa ginawang biro ni Joey.
Inakusahan ng isang netizen si Joey na wala raw "character development."
“Alamin mo pinag iba ng joke at sa bodyshame. Hindi ka na nakakatuwa,” ang published-as-is post ng isa.

Post ng isa pa (also published as is): “pet peeve ko talaga si joey de leon. Akala niya funny siya palagi. Nakakairita.”
Mas maanghang ang banat ng isa pang netizen: “Joey De Leon nakalimutan mo na ba kung bakit tumaba si Miles? You know damn well that her lifetime medications are causing her weight to fluctuate, and for you to body shame her, especially on her birthday, and on national television, was point blank insensitive.”


MILES OCAMPO'S THYROID PROBLEM
Ang tinutukoy ng netizen na medical condition ni Miles ay ang pagsasailalim nito sa operasyon dahil sa kanyang “life-threatening” thyroid problem.
Ang aktres ay na-diagnose ng papillary thyroid carcinoma. Dahil dito, kakailanganin niya ng lifetime na gamutan.
Isang epekto nito ay ang pagdadag ng kanyang timbang.
Dahil sa kondisyon ni Miles, makailang beses na siyang nakaranas ng body-shaming mula sa netizens.
Pero masasabing hindi tino-tolerate ni Miles ang panghihiya ng iba dahil sa kanyang timbang.
Noon lamang March, may lumabas na pekeng quote na sagot daw ni Miles sa sinabi ng isang netizen na “ANG TABA MU NA.”
Nag-react umano si Miles ng ganito: "Kaya ako tumaba kasi 'pag bored ako, kumakain ako imbes na makialam sa buhay ng iba.”
Pero nilinaw ni Miles na hindi niya sinabi ito.
Gayunpaman, kinatigan niya ang pekeng quote.
Ani Miles (published as is): "LUH. FYI lang...hindi ko po ito sinabi and hindi po ako nag post nito. Pero may point din naman [laughing emoji]."
Read:
- Miles Ocampo slams body-shamer on social media
- Miles Ocampo denies quote on body shaming, but says "may point din naman"
JOEY DE LEON JOKES THAT BECAME CONTROVERSIAL
May isa ring netizen ang nagkomento na hindi naman ito ang unang beses na nagbitiw ng joke ang TV host-comedian na naging controversial.
Ipinaalala ng netizen ang ginawang joke ni Joey sa Eat Bulaga! tungkol sa "lubid" noong September 2023.
Sa "Gimme 5" segment ng show, tinanong sa contestant ang mga bagay na isinasabit sa leeg.
Nagbiro si Joey ng lubid, na ikinadismaya ng netizens dahil sa sensitive nature ng depression—na tinawag ni Joey na "gawa-gawa lang"—at ilan pang kondisyong nagtutulak sa suicide.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag sina Miles at Joey kaugnay ng "pataba" joke sa Eat Bulaga!
Read:
